• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Tennis

Murray, panalo sa Queen’s Club

LONDON (AP) – Umatake ang top-seeded na si Andy Murray upang talunin ang nagtatanggol na kampeon na si Marin Cilic, 5-7, 7-5, 6-3, at masungkit ang titulo sa Queen’s Club tournament sa ikatlong pagkakataon. Naantala ang laro ng mahigit sa tatlong oras dahil sa malakas na pag-ulan. Ito ang ika-27 na career title ng Briton, na nakopo rin ang kampeonato noong 2009 at 2011, at ang kanyang... 

Del Potro, dinispatsa ni Hewitt

LONDON (Reuters) – May kaalaman hinggil sa damuhan sa London ang nagdala sa pinakamabisang kampanya ni Australian veteran Lleyton Hewitt kung saan ay pinatunayan nito ang kanyang katanyagan sa grasscourt arts upang talunin si Juan Martin del Potro sa quarterfinals ng Aegon Championships.  Read More »

Andy Murray, tumuntong sa quarterfinals

LONDON (AP)- Nagwagi si Andy Murray ng dalawang beses upang tumuntong sa won twice Queen’s Club quarterfinals, nang kalusin si Nicolas Mahut, 6-3, 7-6 (4), sa suspended match bago binigo si Marinko Matosevic, 6-2, 6-2.  Read More »

Hewitt, Berdych, humataw sa London

LONDON (AP) – Umabante sina four-time champion Lleyton Hewitt at Tomas Berdych sa third round ng Queen’s Club kahapon. Tinalo ni Hewitt si Grigor Dimitrov, 6-4, 6-3, habang isinagawa ni Berdych ang matinding pakikibakbakan sa second-set kay Dutchman Thiemo De Bakker upang mapasakamay ang 6-1, 6-4 panalo.  Read More »

Monfils, umarangkada sa unang round

HALLE, Germany (AP) – Binigo ni Gael Monfils si fifth-seeded Milos Raonic, 6-4, 6-2, sa unang round ng Gerry Weber Open. Ikinasa ni Monfils ang 2-1 sa unang set. Inasinta rin nito ang break sa pagsisimula ng second set. Ibinigay ni Raonic ang ilang pressure kay Monfils sa huling bahagi ng laro, ngunit humirit si Monfils ng drop shot na sinundan pa ng lob. Isinilbi nito ang tikada... 

Williams sisters, sasabak sa exhibition

TORONTO (AP) – Bubuksan nina Serena at Venus Williams ang Rogers Cup sa pamamagitan ng isang doubles exhibition kontra Monica Seles at Eugenie Bouchard ng Canada. Magaganap ang laban sa Centre Court ng Rexall Centre sa darating na Agosto 5 sa opening night ng WTA tournament na magtatagal ng isang linggo.  Read More »

Rafa Nadal, magiging seryosong contender

PARIS (AP) – Sa kasalukuyan, sina French Open champions Rafael Nadal at Serena Williams ay nasa amang panahon upang mamayagpag sa tennis. Inaasahan na magiging seryosong contender si Nadal habang magiging kuwestiyonableng paborito si Williams sa Wimbledon may dalawang linggo na lamang ang hinihintay. Incoming search terms:balita tungkol sa uaap76 malapit ng magsimula Read More »

Roger Federer, kumpiyansa sa Halle

HALLE, Germany (AP)­ – Malapit na ang kalagitnaan ng Hunyo at hindi pa rin nananalo ng titulo si Roger Federer ngayong 2013. Sa kanyang pagbabalik sa grass court, sa isa sa kanyang paboritong torneo, kumpiyansa si Federer na magiiba na ang kanyang kapalaran. Incoming search terms:top seeded players in halle 2013 Read More »

Nadal, kampeon sa French Open

PARIS (AP)- Kahit pa labanan nang husto si Rafael Nadal, tiyak naman na ‘di ito magpapahuli para kunin ang kanyang ikawalong French Open championship title. Angat sa set at break sa 70 minutong hatawan sa finals kotra kay David Ferrer, nagpamalas na naman nang walang kapagurang pakikipaggitgitan ang Spaniard. Natamo ni Nadal ang apat na break points sa isang laro. Ang huli ay ang 31-stroke... 

Serena, kampeon sa ikalawang pagkakataon

PARIS (AP) – Tanda ni Serena Williams na 11 taon na ang nakalipas mula nang kanyang mapanalunan ang kanyang nag-iisang kampeonato sa French Open. Tanda rin niya kung ano ang nangyari sa Paris noong nakaraang taon: siya ay natalo sa unang round ng isang Grand Slam sa isang kalabang wala sa Top 100.  Read More »