Balita - Tagalog Newspaper Tabloid » Sports

Ferrer, sadsad sa Topshelf Open
ROSMALEN, Netherlands (AP)­ – Natalo si French Open finalist David Ferrer sa unang round ng Topshelf Open, isang grass-court tournament na idinaraos isang linggo bago ang Wimbledon.

Isang single service break sa ikalawang set ang kinailangan ni Xavier Malisse ng Belgium upang talunin ang nagtatanggol na kampeo at top-seeded na si Ferrer sa straight sets, 7-6 (3), 6-3.

‘’I think I need to play more on grass to get into it,’’ pahayag ni Ferrer. ‘’I can now train for a few days in London. I have to stay positive; my focus is now on my first match at Wimbledon.’’

Tinalo naman ng second-seed na si Stanislas Wawrinka si Steve Darcis, 7-6 (5), 6-4, sa isa pang laro. Si Darcis ang pumalit sa Dutchman na si Igor Sijsling na umatras dahil sa sakit sa tiyan.

Ang isa pang seeded na manlalaro na umabante sa ikalawang round ay ang fifth-seeded na si Jeremey Chardy na tinalo si Lucal Pouille, 7-5, 6-4.

Hindi naman nahirapan ang topseed at 2011 champion na si Roberta Vinci nang kanyang dispatsahin si Kaia Kanepi, 6-3, 6-3, sa unang laban sa center court upang makaabante sa ikalawang round.

Naghabol naman ang fourth-seed na si Kirsten Flipkens matapos matalo sa unang set at talunin si Francesca Schiavone, 3-6, 6-3, 6-0, habang nanaig naman si Carla Suarez Navarro kontra Sofia Arvidsson, 6-3, 6-4, upang umusad sa susunod na round.

Si Benoit Paire ang isa pang seeded na manlalaro na hindi nakalampas sa unang round, siya ay nag-retire matapos matalo sa unang tatlong game ng laban kontra sa kababayang si Michael Llodra.

KAMANGHA-MANGHA
James, Allen, Bosh, naging susi sa nakalululang panalo ng Heat

MIAMI (AP) – Pinagpag ni LeBron James ang mabagal na pag-uumpisa upang makakuha ng 32 puntos, 11 assists, at 10 rebounds, habang naipasok ni Ray Allen ang isang napakahalagang 3-pointer sa huling 5.2 segundo upang mapuwersa ang overtime at naiwasan ng Miami Heat na tuluyang maibaon matapos ang kanilang 103-100 panalo kontra sa San Antonio Spurs sa Game 6 ng NBA Finals kahapon ng umaga.

Nagmintis si James sa siyam sa kanyang unang 12 attempts ngunit nakaiskor ng 16 puntos sa fourth quarter upang pangunahan ang rally ng Heat mula sa 10 puntos na pagka-iwan. Naghahabol ang Heat sa 89-94 sa nalalabing 28 segundo, ngunit nailusot ni James ang isang 3-pointer sa huling 20 segundo at sinundan ito ng isa pa ni Allen upang maitabla ang laban.

`’He just made plays. I don’t think there’s any two ways to put it,” patungkol ni Duncan kay James. `’We were in the right position to close it out and he found a way to put his team over the top and we just didn’t make enough plays to do that.”

Ang layup ni James, may 1:43 natitira sa overtime, ang nagbigay sa Heat ng 101-100 abante, at naipasok ni Allen ang dalawang free throw upang itulak ang serye sa Game 7 na magaganap Huwebes ng gabi sa Miami (Biyernes ng umaga). Nagkaroon ng huling pagkakataon ang Spurs, naghahabol sa 103-100, ngunit nasupalpal ni Chris Bosh ang 3pointer ni Danny Green mula sa sulok sa pagkaubos ng oras.

`’If we were going to go down tonight, we’re going to go down with me leaving every little bit of energy that I had on the floor,” lahad ni James.

Umiskor si Duncan ng 30 puntos at 17 rebounds, ngunit hindi siya nakaporma sa fourth quarter at sa overtime at nasayang ng Spurs ang ginintuang pagkakataon na tapusin ang serye at ibulsa ang ikalimang kampeonato.

`’They’re the best two words in sports: Game 7,” sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra.

Naglista si Mario Chalmer ng 20 puntos, 10 puntos at 11 rebounds ang idinagdag ni Bosh, at nagpasok ng tatlong 3-pointer si Shane Battier para sa Heat, na naghahabol sa 65-75 matapos ang tatlong quarter.

`’I have no clue how we’re going to get re-energized,” pahayag ni Manu Ginobili ng Spurs. `’I'm devastated. But we have to. There’s no Game 8.”

Dedesisyunan ang 2013 NBA championship sa isang laro: ang winner-take-all sa Game 7.

“Until the clock runs out,” sinabi ni Allen. `’We still have an opportunity to win this game.”

Nagkaroon ng 11-0 pag atake ang San Antonio sa unang half, sinundan ito ng 13-3 na pagsiklab sa third quarter upang kunin ang 71-58 na bentahe, at nakipaggitgitan sa huling bahagi ng regulation na tila magbibigay sa kanila ng ikalimang titulo.

Ang 3-pointer ni Parker sa harap ni James ang nagtabla sa 89 sa huling 1:27. Sinundan niya ito ng isang basket matapos maagaw ang bola para sa 9189 kalamangan, 58 segundo pa ang nalalabi. Dalawang free throw ni Ginobili kasunod ang isa pa ang nagbigay sa Spurs ng 94-89 na espasyo.

Ngunit naipasok ni James ang kanyang 3-pointer sa natitirang 20 segundo at nagkaroon ng isa pang pagkakataon ang Heat nang isang free throw lamang ang naipasok ni Kawhi Leonard para sa San Antonio na tangan ang 95-92 abante. Nagmintis si Bosh sa kanyang attempt ngunit nakuha ni Bosh ang rebound at ipinasa naman sa naghihintay na si Allen ang bola, ang career leader ng liga sa 3-pointers, na walang kabang ibinato ang tres upang itabla ang laro.

Muling nakalamang sa tatlo ang Spurs sa overtime, ngunit nakita ni James ang papalapit na si Allen sa basket at muling nakaiskor upang ibalik ang abante sa Heat. Naselyuhan nila ang panalo nang maharang ni Bosh ang huling dalawang attempt ng San Antonio.

Poomsae, bagong event sa UAAP
Idinagdag ngayong taon ang disiplina na Poomsae sa TaeKwonDo sa pagbubukas ng Season 76 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa Hunyo 22 na magaganap sa SM Mall of Asia Arena.

Sinabi ni UAAP Season 76 secretary-treasurer Marilou Isip na isinali ang poomsae bilang isa sa mga regular sport na nakatakdang paglabanan ng walong kasaling unibersidad.

“Poomsae is included now as a medal sport. So far, ito pa lang ang mga idinagdag,” sabi ni Isip, na kasamang dumalo sa lingguhang PSA forum ang head coach ng Adamson basketball team na si Leo Austria.

Ipinagmalaki naman ni Isip ang magiging tampok na palabas na hinalaw nito sa nobela at ginawang palabas na Hunger Games” sa pagbubukas ng torneo.

Umaasa naman ang Adamson coach na si Austria na muling makakatuntong ang Falcons sa inaasam ng lahat na Final Four o semifinal round.

“Lahat naman ng koponan nais makatuntong sa semifinal. As for our team, iyon din ang gusto namin and hopefully kung susuwertihin ay makatuntong sana sa finals,” sabi ni Austria. – Angie Oredo

Incoming search terms:

sport news tagalog UAAP

DLSU Lady Spikers, makikipagtagisan ng galing sa Philippine Super Liga
Makikipagbakbakan ang kasalukuyang kampeon sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na De La Salle University sa mga pinakamagagaling na manlalaro sa women’s indoor volleyball sa pagsambulat ng Philippine Super Liga sa Hulyo 7 sa Philsports Arena.

Napag-alaman sa nagoorganisang SportsCore Event Management and Consultancy Incorporated na nagdesisyon ang Lady Archerss na sumabak sa torneo na kinikilala ng Asian Volleyball Confederation dahil sa inaasahan na magiging matinding labanan sa pagitan ng anim na koponan.

Maglalaban-laban sa pampakilala na pang-unang kumperensiya ang koponan ng PLDT, CIGNAL, PCSOBINGO, Petron, Philippine Army at DLSU.

Ang DLSU Lady Archers, na unang women’s volleyball champion noong 1975, ay sariwa pa mula sa pagsungkit ng ikalawang 3-peat. Una nitong iniuwi ang UAAP title noong 1999 bago muling nagwagi noong 2003, 2004, 2005 para sa una nitong 3-peat.

Nagwagi din nito noong 2009 bago ang ikalawang 3-peat sa taong 2011,2012 at 2013. Mayroon na itong naiuuwing kabuuang walong titulo sa liga.

Mayroon lamang naman na walong playing days na matatapos sa loob ng dalawang linggo ang pangunang torneo ng PSL na kikilalanin bilang Liga Feminina.

Agad naman isasagawa ang una nitong kumperensiya sa Agosto na isang invitational.

Isasagawa muna nito ang drafting o pagpili ng mga sasaling koponan sa ninanais nitong makuha na sasaling manlalaro upang makabuo ng kanilang komposisyon sa torneo. Kasunod nito ay ang mahabang torneo na aabot sa mahigit na anim na buwan.

Orihinal na itinakdang maisagawa ang torneo sa Rizal Memorial Coliseum subalit inilipat ng lugar matapos pasukin ng baha ang makasaysayang pasilidad. Hindi naman magamit ang Ninoy Aquino Stadium na under renovation para naman sa isasagawa na 2013 FIBA-Asian Basketball Championship na gaganapi sa bansa sa Agosto 1-11. – Angie Oredo

Pangmatagalang programa, kailangan sa volleyball
Kailangangan maumpisahan na ang isang malawakan at pangmatagalang programa kung nais ng Pilipinas na maging matagumpay sa pandaigdigang entablado ng volleyball.

Ito ang ipinahayag ng beteranong coach na si Roger Gorayeb matapos ang kampanya ng Shakey’s V-belles sa Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball Qualifier na ginanap sa Quang Tri, Vietnam noong nakaraang linggo.

“Sana ganu’n ang mangyari, ang magkaroon ng long-term program. Kasi `yun lang ang chance mo, eh. `Yung hinahanap mong component para sa isang team, makikita mo na sa kanila pero hindi naman overnight `yan,“ patungkol ni Gorayeb sa kanyang mga player na pinagsama-sama lamang isang linggo bago ang nasabing torneo.

Nagtapos ang Pilipinas na may 1-2, panalo-talo, na kartada sa four-team event na nagsilbi bilang qualifier para sa Asian Zonals. Sila ay yumuko sa mas malakas na koponan ng Vietnam, 9-25, 11-25, 18-25, at Indonesia, 20-25,19-25, 22-25, ngunit nanalo kontra Myanmar, 20-25, 25-14, 25-10, 25-17.

Umaasa si Gorayeb na magkakaroon ng pangmatagalang programa ang PH volleyball katulad ng Gilas sa basketball, kung saan bumuo sila ng koponan na kinabibilangan ng mga college player ilang taon bago ang target nilang torneo.

Ang Philippine team na binuo ng mga pinakamagagaling mula sa katatapos na Shakey’s V-League conference, ay itinaguyod ng Sports Vision Management Group Inc. sa hiling ng Philippine Olympic Committee matapos na tumanggi ang Philippine Volleyball Federation (PVF) na magpadala ng koponan sa event.

Hindi sumali sa torneo ang PVF, sa kabila ng $7,000 na subsidy mula sa nag-organisanf Asian Volleyball Federation kasama ang full board and lodging at transportasyon, dahilan upang hingin ng AVF sa POC na magbuo ng isang koponan upang makaiwas sa mga sanction.

Dahilan ng PVF, na wala pang pambansang koponan na nabubuo, kakulangan sa oras at pera ang nagtulak sa kanila upang hindi sumali sa torneo. – Kristel Satumbaga

Adamson U, ipinangako ang kamangha-manghang pagbubukas ng Season 76
Nangako ang Adamson, punong abala ng UAAP ngayong taon, na magbibigay ng isang kamanghamanghang palabas sa pagbubukas ng ika-76 season nito sa Hunyo 29 sa Mall of Asia Arena.

Sinabi ni secretary-treasurer Malou Isip na ang magiging tema ng pambungad na seremonya ay magiging katulad ng pelikulang “The Hunger Games”.

Inimbitahan din ang mga kilalang personalidad, partikular sina Kenneth Duremdes at Hector Calma, mga kilalang alumni ng Adamson na iginiya ang Falcons na nag-iisa nilang titulo noong 1978. Ang presidente ng unibersidad na sia Fr. Gregg Banaga ang magdedeklara ng pagbubukas ng season sa kasagsagan ng pagdiriwang.

Ito lamang ang mga detalyeng ibinigay para sa seremonyang hudyat ng pagbubukas ng season na tinaguriang “Greatness Never Ends”, at sorpresa na lamang ang iba pang magaganap, ayon pa kay Isip sa ginanap na lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

“Spectacular ang aming opening. But it will be a surprise,” ani Isip, na sinamahan din ng head coach ng Falcons na si Leo Austria.

Ang unang doubleheader ng season ay katatampukan ng Far Eastern University laban sa University of the East sa opener ganap na alas-2 ng hapon na susundan naman ng salpukan ng University of Santo Tomas at La Salle sa alas-4.

Tatargetin ng Ateneo ang ikaanim na sunod na kampeonato sa ilalim ng bagong coach na siBo Perasol, habang ang National University, UST at La Salle naman, maging ang UE, ay tinaguriang mga pinakamalaking banta sa korona ng Eagles.

Naniniwala si Austria na kahit sino ay may tsansang makuha ang titulo.

“It’s hard to predict right now. I think NU is still a contender and you can’t discount Ateneo. They are wellorganized,” saad ni Austria. “UE has emerged as a contender at nandiyan ang UST dahil beterano sila.”

Si Chito Loyzaga ang itinalagang commissioner, magsisilbi naman ang dating coach ng San Beda Red Cubs na si Ato Badolato bilang kanyang assistant.

Hiniling ng PBA legend na magkabit ng anim na camera upang mas masubaybayan ang aksiyon sa loob ng court. Magkakaroon na din ng video review para sa mga 3-point shot sa huling dalawang minuto ng bawat quarter.

Lahat ng laro sa first round ay magaganap sa MOA Arena at SmartAraneta Coliseum. Ang ikalawang round naman ay mag-uumpisa sa Agosto 14, dalawang linggo matapos ang hosting ng bansa ng FIBA Asia Championship. – Jonas Terrado

RP volleybelles, agad binuwag
Ni Angie Oredo

﻿Agad binuwag ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ang binuo nitong RP volleybelles matapos ang nakakapanghinayang nitong kampanya sa Asian Southeastern Zone Women’s World Championship qualifier sa Huong Hoa Stadium sa Khe Sanh, Vietnam.

“They will be disbanded. The players will be back to their schools. It all depends on their schools kung papayag na panatiliin sila sa team. As to the formation of a national team, it all depends on the national sports association,” sabi ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Isang panalo lamang sa tatlong laro ang naiuwi ng mabilisan na binuo na RP belles upang maisalba ang bansa sa posibleng kaparusahan na matagal na pagkakasuspindi sa kinaaanibang nitong internasyonal na organisasyon na Asian Volleyball Confederation (AVC).

Unang nabigo ang koponan sa host na Vietnam bago nagwagi sa Myanmar. May tsansa sana itong makatabla sa liderato sa torneo na kuwalipikasyon para sa 2014 FIVB Women’s World Championships subalit nabigo ito sa huli nitong laban kontra sa Indonesia.

Matatandaan na hindi iginawad ng PSC ang katayuan bilang pambansang koponan sa RP belles dahil binuo lamang ito base sa kautusan ng Asian volleyball body at hindi mula sa proseso na itinalaga ng namamahalang asosasyon sa bansa na Philippine Volleyball Federation (PVF).

Idinagdag ni Garcia na hindi din maikokonsidera ang koponan na irepresenta ang bansa sa larong volleyball sa SEA Games kahit na naka-ikatlo itong puwesto dahil na din sa kakulangan ng mga basehang batayan.

“If ever they went home with a bronze, it is not enough criteria for them to be send to SEA Games. Tatlo lang din na bansa ang kasali. We should think that nasaan ang Thailand, ang Malaysia at iba pang kasali. You know Thailand is the gold medal winner in SEA Games and we want only to sent a sure gold medal bet,” sabi ni Garcia.

Gayunman, pinasalamatan at binigyan ng papuri ni Garcia ang koponan bunga ng kanilang pagseserbisyo sa bansa na kahit walang paghahanda at ilang araw lamang na nag-ensayo ay ipinakita ang kanilang buong pagmamahal na hindi mapahiya at masuspindi ang Pilipinas sa internasyonal na komunidad.

“I personally praise the performance of the team which is beyond expectation. Although hindi pa lang talaga maayos but I congratulate the team for showing national pride and honor,” sabi ni Garcia.

San Miguel Beermen, naghahanda na para sa 2014 ABL season
Ang naging tagumpay ng San Miguel Beerman ay maaaring nag-angat sa pamantayan sa ASEAN Basketball League, ngunit ayon sa mga opisyal ng mga bagong hirang na kampeon, maghahanda sila sa pagharap sa mas malalakas na oposisyon sa susunod na season.

Sinabi ni team manager Rico Meneses sa PSA Forum kahapon na plano ng Beermen na panatilihim ang isang koponan na magiging palaban para sa titulo kung maglalaro sa PBA sa susunod na kumperensiya ang ilan sa kanilang manlalaro tulad ni Asi Taulava.

“I think the ABL will be stronger next year so it’s really a challenge to find the right team and the right chemistry,” saad ni Meneses. “We expect more imports, a lot of Fil-Ams and even better local players as the league continues to grow in terms of the quality of games.”

Hinihintay din ng Beermen ang hudyat kung sila ay mabibigyan ng puwesto sa FIBA Asia Champions Cup ngayong taon. Nakatakda silang maglaro noong isang taon ngunit kinailangang umatras dahil sa kakulangan ng manlalaro.

Sinabi ng pamunuan ng ABL na tinatrabaho nila ito dahil sila ay may nakalaang mga puwesto para sa

Champions Cup bilang kinatawan ng SEABA mula 2011.

Nakopo ng San Miguel ang una nitong titulo sa ikalawang taon ng pagsali sa regional league at nagposte ng 25-4 na kabuuang rekord sa regular season at playoffs. Mas naging matingkad ang kanilang kampanya nang kanilang walisin ang Indonesia Warriors sa kanilang bestof-five series.

“Every player on this team accepted their roles,” ani coach Leo Austria. “We also put premium on playing defense and the team showed great camaraderie.”

Binuhat nina Taulava at Chris Bancero ang San Miguel sa kahabaan ng season, at bagamat naging limitado ang partisipasyon ng import na si Brian Williams, na naglaro para sa Malaysia noong 2012, naging epektibo naman ito sa kanyang papel sa koponan

Kinuha rin nila ang serbisyo ng dating import ng Globalport sa PBA na si Justin Williams na naging matatag na pader ng depensa para sa San Miguel.

“It was a blessing in disguise,” patungkol ni Williams sa pagpapakawala sa kanya ng Globalport sa PBA Commissioner’s Cup. “If it wasn’t for them, I wouldn’t be here and San Miguel gave me an opportunity.” – Jonas Terrado

Incoming search terms:

2014 asean basketball league

2014 abl season

Four-peat, tatangkain ng Lions
Patas halos ang laban.

Ganito ang nakikitang `scenario’ ni defending champion San Beda College coach Boyet Fernandez sa darating na 89th NCAA Basketball tournament na pormal na magbubukas sa Sabado-Hunyo 22 sa MOA Arena sa Pasay City.

“Very equal ang tournament. All teams beefed up their line up.I think this will be a very tough year for us,” ani Fernandez.

Batay na rin aniya sa mga nakalipas na pre season tournament,inaasahan ni Fernandez na magiging malaking balakid para sa hangad nilang 4-peat ang Arellano University, Letran, University of Perpetual at ang season host College of St.Benilde habang dark horse naman sa palagay nya ang Mapua.

Ayon pa kay Fernandez,higit na mabigat ngayon para sa kanila ang pressure dahil sa tangka nilang makapag four-peat.

“The pressure is too high for us this year `cause we’ re gunning for 4peat,“ ayon pa kay Fernandez.

“Kailangan prepared lang lagi, dapat talaga ready every game,“ dagdag pa nito.

Apat ang nawala sa kanyang roster noong isang taon na kinabibilangan nina Jake Pascual, Anjo Caram, Melo Lim at Anthony Moralde.

At inaasahan niyang magpupuno sa naiwang puwesto ng mga ito ang nagbabalik na sina David at Anthony Semerad at Roldan Sala.

Magsisilbi namang co-captain ng team ang itinuturing niyang top gun at top defender na sina Rome de la Rosa at Kyle Pascual. – Marivic Awitan

Negosasyon sa restructured deal ng Celtics at Clippers, muling binuksan
Muling binuksan ng Boston Celtics at Los Angeles Clippers ang negosasyon para sa isang narestructure na kasunduan na maaaring magdala kay coach Doc Rivers at Kevin Garnett sa Los Angeles sa isang multiplayer deal, ayon sa ulat ng ESPN.com.

Nabalam ang mga pag-uusap noong Lunes at anumang trade na binabalak ay maghihintay pa ng mas mahabang oras.

Hindi magkasundo ang mga koponan para sa isang trade framework, bagamat napabalitang hindi na ipipilit ng Boston na mapasama ang guwardiya ng Clippers na si Eric Bledsoe sa deal.

Mas naging kumplikado pa ang sitwasyon nang may ulat na lumabas sa Boston Globe na nagsasabing hindi sigurado si Rivers kung nais niyang i-coach ang Clippers o manatili sa Celtics. Ang nasabing negosasyon ay nakasentro sa usapin kung papayag si Rivers na maging head coach ng Clippers.

Isa pang isyu, ayon sa ESPN.com, ang negosasyon sa pagitan ni Rivers at Clippers sa kanyang magiging kontrata. May tatlong taon pang nalalabi si Rivers sa kanyang $35-milyong kasunduan sa Celtics at nais niyang maging kapareho ang kanyang susuweduhin kung sakali sa Clippers.

Natigil ang mga diskusyon para sa trade sa pagtatapos ng nagdaang linggo dahil iginiit ng Clippers na hindi nito isasama si Bledsoe sa trade para kay Garnett.

Ang iminungkahing alternatibo para rito ay ang pagtutuloy ng Clippers sa kontrata ni Courtney Lee o Jason Terry mula sa Celtics. Maaaring mapigilan nito ang paghahabol ng Celtics kay Bledso at posibleng makumpleto ang trade ngayong araw o bukas. Makukuha ng Celtics ang sentrong si DeAndre Jordan, ang papatapos na kontra ni Caron Butler at isang futre first-round draft pick mula sa Los Angeles.

Kabibilangan ng nasabing deal ang pagpayag ng Celtics na pakawalan si Rivers sa huling tatlong taon ng kanyang kontrata kasama ang $21milyon.

Naniniwala ang Clippers na ang nasabing deal ay magiging garantiya na muling pipirma si Chris Paul sa koponan oras na siya ay maging free agent sa Hulyo 1, ayon sa report ng ESPN.com. Ito ay maaari ring maging daan upang suyuin ng Clippers si Paul Pierce.

Dagdag pa ng mga source ng ESPN. com, maganda ang tsansa na matuloy ang paglipat nina Garnett at Rivers sa Clippers.

Kung hindi matutuloy ang kasunduan, inaasahang kukunin ng Clippers si Lionel Hollins o Brian Shaw bilang bagong coach. – Yahoo! Sports