• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Boxing

Dapudong, bagong IBO bantamweight champion

Ni Gilbert Espeña  Hindi na pinalampas ni two-time world title challenger Edrin Dapudong ng Pilipinas ang pagkakataon nang patulugin sa unang round si International Boxing Organization (IBO) junior bantamweight titlist Gideon Buthelezi kahapon sa Emperor’s Palace Resort and Casino, Johannesburg, South Africa.  Read More »

Suarez, nagpaliwanag sa reklamong pananakit

Ni Angie Oredo “Sir, lisensiyado po ako bilang national boxer at hindi ko po magagawa na manakit nang basta-basta na lamang.” Ito ang paglilinaw ni multi-medalist Charly Suarez sa panayam ng Balita sa kanyang quarters sa Rizal Memorial Boxing gym matapos na ireklamo ng kanyang dating kinakasama sa pananampal at pananakit umano noong Hunyo 1 habang isinasagawa ang POC-PSC National... 

Pinoy boxer sa Australia, nagwagi

Ni Gilbert Espeña Muling pinatunayan ni dating Australian light welterweight champion Jack Asis na malaki ang ipinagbago niya mula nang pangasiwaan ni Aussie promoter Brendon Smith matapos itala ang ikawalong sunod na panalo nang talunin sa 3rd round TKO si Argentinian Jose Saez kamakalawa ng gabi sa Rumours International, Toowoomba, Queensland, Australia. Incoming search terms:balita... 

WBC ratings, itataya ni Tubieron

Magsasagupa ngayon sina WBC International bantamweight champion Dennis Tubieron ng Pilipinas at knockout arist Hiroki Shiino ng Japan para sa bakanteng OPBF bantamweight title sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan kung saan nakataya rin ang WBC rankings ng Pinoy boxer. Incoming search terms:kurkuen hall in tokyo japan dennis tubieron vs hiroki shiino Read More »

Pacquiao, sumadsad sa ika-14

Mula sa pagiging No. 2 noong nakalipas na taon, bumaba sa Ika-14 ang Filipino boxing hero na si Manny Pacquiao bilang “highest paid athlete” sa unang bahagi ng 2013. Nangunguna sa listahan ang golfer na si Tiger Woods na mayroong $78.1 milyon mula Hunyo 2012 hanggang Hunyo 2013 na natipon nito mula sa kanyang mga premyo, endorsements at appearance fees. Incoming search terms:ika 14... 

Patutulugin ko si Pacquiao- Rios

Buong yabang na ipinahiwatig ni Brandon “Bam Bam” Rios na makikipagsabayan siya kay eight-division world champion Manny Pacquiao at binantaang patutulugin upang ipakita na siya ang susunod na magiging numero unong boksingero sa buong mundo. Incoming search terms:mga pangalan ng balitamga pangalan ng balitaanpangalan ng balitakatangian ng populasyon na makakatulong sa pagunlad ng pilipinas Read More »

Maraon, pinag-aralan ni Payano

Kahit wala sa world rankings, binigyan ng pagkakataon ng World Boxing Association si dating world rated Jundy Maraon ng Pilipinas na harapin si WBA No. 5 bantamweight Juan Carlos Payano ng Dominican Republic sa 12-round eliminator bout sa Hunyo 14 sa South Mountain Arena sa South Orange, New Jersey sa United States.  Read More »

Maraon, mapapasabak sa matinding laban

Muling makikita sa aksiyon sa lona ng parisukat ang walang talong si dating WBO Asia Pacific bantamweight champion Jundy Maraon laban sa walang talo at No. 1 ng Colombia na si Juan Carlos Payano sa Hunyo 14 sa South Orange, New Jersey sa United States.  Read More »

Cuello, Dapudong, sasabak sa kampeonato

Nagsimula na ang matinding pagsasanay ni Denver “The Excitement” Cuello para sa kanyang nalalapit na paghamon kay WBC strawweight champion Xiong Zhao Zhong ng China sa Hunyo 28 sa Dubai World Center sa Dubai, United Arab Emirates.  Read More »

Francisco, kakasa vs American boxer

Pagbibigyan ng Saved by the Bell Promotion (SBB) na lumaban sa ilalim ng Top Rank Inc. ang boksingerong si world rated bantamweight Drian Francisco para kumasa sa Hulyo 12 laban kay WBO No. 5 at WBA No. 6 super bantamweight Chris Avalos ng United States sa Texas Station Casino sa Las Vegas, Nevada.  Read More »