• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Baseball

LLP, Clark, nagsanib sa AsPac

Nagkasundo ang Little League Philippines at Clark Development Corporation sa pormal na pagtutulungan para sa pagiging punong-abala ng 2013 Asia-Pacific Middle East Tournament sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 kung saan ay isa itong world series-qualifying event.  Read More »

Little League: NCR batters, makikipaggitgitan

Ipiprisinta ng National Capital Region (NCR) batters, hinablot ang gintong medalya sa nakaraang 2013 Palarong Pambansa, ang Pilipinas sa gaganaping Little League Asia Pacific Middle East Tournament. Ito ay matapos makamit ng NCR ang unang intermediate 50/70 division sa torneo na ginanap sa Dumaguete. Incoming search terms:muntinlupa little league baseball playersncr region in political... 

World Baseball Softball Confederation, itinatag

Nagsanib ang mga asosasyon sa mundo sa baseball at softball tungo sa pagiging isang organisasyon na kikilalaning World Baseball Softball Confederation (WBSC) sa pagpupulong na isinagawa sa Tokyo, Japan sa asam na maibalik ang isport sa Olympics. Incoming search terms:jean henri lhuillier april 21 2013 Read More »

Record, naitala sa Little League

Magsasagupa ang record 107 koponan, sa pangunguna ng anim na namayagpag noong nakaraang taon, sa walong nakatayang karangalan sa paghambalos ng Little League Philippines (Baseball and Softball) 2013 Series sa Tanauan City, Batangas sa Abril 1-9. Incoming search terms:wanted sa tanauan batangaseditoryal tungkoL SA TANAUANmanuel manalo tanauan batangasschedule of 2013 national open little... 

Titulo, idedepensa ng Lady Falcons

Laro bukas: (Rizal Memorial Baseball Stadium) 10 a.m. – AdU vs NU (softball finals) Siyam na batters ng National University ang na-struck out ni Adamson pitcher Julie Marie Muyco upang pamunuan ang defending champion na makahakbang palapit sa hangad na 3-Peat matapos ang 6-2 panalo sa Game One ng kanilang finals series sa UAAP softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.  Read More »

NU, ADMU, agawan sa titulo

Laro sa bukas: (Rizal Memorial Baseball Stadium) 12 p.m.– ADMU vs NU (baseball finals) Humirit ang season host National University ng decider Game Three sa kanilang baseball championship series ng Ateneo de Manila sa UAAP Season 75 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Incoming search terms:agawan ng balitabalita sa natapos na basketball sa uaap 2013isports balita... 

UST kontra NU sa semifinals

Mga laro ngayon: (Rizal Memorial Baseball Stadium) 9 a.m. ­ NU vs UST (softball semis) 12 p.m. ­ NU vs ADMU (baseball finals, Game 1) Nagawang blangkahin ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 40, para maitakda ang ikalawang stepladder semifinals showdown nila ng second ranked National University sa UAAP Season 75 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball... 

NU, pinulbos ng Lady Falcons

Inilampaso ng defending champion Adamson ang National University, 10-0, para ipagpatuloy ang kanilang pamamayagpag sa ginaganap na UAAP Season 75 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Ang Lady Falcons na mayroon naitalang record na 30 sunod na panalo, mula pa noong Season 73, ay nangangailangan na lamang ng dalawang panalo para makamit ang hangad na outright finals... 

Blue Eagles, dinurog ang Falcons

Ipinagpatuloy ng Ateneo de Manila ang kanilang nasimulan sa first round nang kanilang durugin ang Adamson, 12-1, para maitala ang ikaanim sunod na panalo sa ginaganap na UAAP Season 75 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.  Read More »

2013 Palarong Pambansa, mas kasasabikan

Ni Angie Oredo Inaasahang lalong kasasabikan ang kompetisyon sa Little League baseball sa gaganaping 2013 Palarong Pambansa bunga ng karagdagang insentibo sa magwawaging koponan, ang iprisinta ang Pilipinas sa prestihiyosong torneo na Asia Pacific Championships sa Estados Unidos. Incoming search terms:palarong pambansa 2013 soccerpalarong pambansa 2013 volleyballbalitang pambansa tagalogpalarong...