
Suot ng obrero sa kanyang ulo ang toga habang nagpipinta sa gusali ng Batasan Hills National High School dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa bansa. Ali Vicoy

Ipinakikita ni Senator-elect Antonio Trillanes IV ang kanyang certificate of proclamation na tinanggap niya kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila. Wala siya sa bansa nang isagawa ang proklamasyon sa mga nanalong senador sa Philippine International Convention Center. - Linus Guardian Escandor II

Nakatayo ang mga tao sa bagong Rain Room installation sa Museum of Modern Art (MoMA) sa New York noong Mayo 17, 2013. Ang 5,000 square-foot installation ay lumilikha ng ulan na tumitigil sa bahaging dinaraanan ng mga tao, upang hindi sila mabasa. REUTERS/Shannon Stapleton

Kanya-kanyang puwesto ang mga taong nakagawian nang matulog sa Baywalk area sa Roxas Boulevard sa Manila. Ngayong si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na ang bagong mayor ng Manila, ano ang magiging kapalaran ng Baywalk at ng mamamayan? Jim Guiao Punzalan

Binati at mahigpit na niyakap ni Senator Vicente Sotto III si Senator-elect Gregorio Honasan matapos iproklama ng Commission on Elections si Honasan na kabilang sa 12 bagong senador sa Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong Sabado ng gabi. Richard Viñas

Hawak ni Dominic Rubio, 42, ang isa sa kanyang mga obra sa kanyang bahay sa Paete, Laguna. Muntik nang tumigil sa pagpipinta noon, sa kasalukuyan ay mabebenta ng P80,000-P123,000 ang bawat 30x24-pulgadang obra ni Rubio, na sikat sa Region 4-A. AP/Aaron Favila

Gamit ang sanga ng dayap, gumuguhit ng tattoo ang 55-anyos na tattoo artist ng Kalinga na si Kalina Suyam sa braso ng isang volunteer. Kilala ang matatanda ng Kalinga sa mahusay na pagguhit ng tattoo gamit ang tribal designs, sa pagtatapos ng 4th Tam-Awan International Festival sa Tam-Awan Village Pinsao Proper, Baguio City. Rudy Liwanag

Naglambitin ang lalaki sa higante at adobeng jack stone piece sa pampang na nakaharap sa Playa De Oro Hotel sa Bgy. Mindoro, Vigan City, Ilocos Sur. Agaw-atensiyon para sa mga turista, itinayo ang magkakahilerang jack stone piece para maprotektahan ang hotel sa soil erosion. Freddie G. Lazaro

Editor’s note: Karugtong po ito ng coverage ni Reggee Bonoan sa interview ni Boy Abunda kay Ai Ai de las Alas noong madaling araw ng Linggo na inilabas namin ang unang bahagi kahapon

SA press launch ng It's Showtime Ka-look-alikes Level Up na siyang magsisilbing semi-finals round from May 20 (happy birthday, Atcheng Lolit Solis na aming mahal!) up to May 31, hagalpakan sa tawa ang lahat dahil witty silang sumagot sa mga katanungan.

LEARN Ipinamalas ni National Master Edmundo Gatus ang tamang pamamaraan sa pagsulong ng larong chess sa 8-taon na si John Carlo Nicolas ng Antonio Regidor Elementary School sa Manila sa kada-Linggong Laro at Saya sa Burnham Green sa Luneta Park.

Sa pagsapit ng taong ito, batid ni Rafael Nadal kung paano pa rin niya dodominahan si Roger Federer.

TINANGKANG lusutan ni San Antonio Spurs' Tony Parker si Memphis Grizzlies' Mike Conley sa kainitan ng kanilang laro sa unang half sa Game 1 ng kanilang NBA Western Conference Finals basketball playoff series sa San Antonio. AP/Eric Gay
Home » Badminton

