
AMING PAG-ASA Kabilang ang isang larawan ni Kristo Jesus sa mga naisalba ni Lea Bessinger (kaliwa) mula sa tahanan ng kanyang panganay na anak na winasak ng dambuhalang buhawi sa Moore, Oklahoma noong Martes (araw sa Amerika). AP/Charlie Riedel

Iniinspeksiyon ng scientist ang mga bubuyog sa isang scientific experiment sa Faculty of Agriculture sa Zagreb University noong Mayo 15, 2013. Pinagsusumikapan ng mga Croatian researcher ang kakaibang paraan ng paghahanap ng mga nakabaong bomba nA nagkalat sa kanilang bansa at sa iba ang bahagi ng Balkans – ang paggamit ng mga bubuyog para matunton ng mga land mine. AP Photo/Darko Bandic

EXCITED KAMI Nakapila ang mga batang sinasamahan ng kanilang mga magulang sa maagang pagpapatala para sa kindergarten sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City. Ali Vicoy

Naglalakad ang estudyante sa tapat ng mural ng Manila Science High School sa Taft Avenue, Manila. Magtataas ng matrikula ang 260 pribadong eskuwelahan sa Metro Manila, ayon sa Department of Education. Michael Varcas

Iba’t ibang bagong ani na gulay ang inilalako sa puwestong ito sa gilid ng national highway sa Sitio Rawari, Bgy. Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon. Alexander D. Lopez

Kahit kabubukas lang sa publiko, dumadami na ang turistang dumadayo sa beach resort na ito sa Sitio Pitugo sa Bgy. Bobon, Mati City, Davao Oriental. Alexander D. Lopez

Mas kumportable ang lalaki sa pag-angkas sa motorsiklo nang nakatalikod sa driver habang bumibiyahe sila sa Sulop sa Davao del Sur. Alexander D. Lopez

. Puwede rin po bang mag-special request, si Ha Ji Min po ng Rooftop Prince. Natutuwa po kasi ako sa kanya, kasi nag-charity po siya sa Mindanao noong 2009. Sobrang bait at walang arte sa katawan, sobrang ganda pa. Pati si Han Yoo Joo ng Dongyi nag-charity rin siya sa Pilipinas

IPINAKITA ni Filipino-American BMX rider Daniel Patrick Caluag ang kanyang gintong medalya kay Philippine Sports Commission Chairman Ricardo R. Garcia makaraang pagwagian ang Men's Elite Race sa 8th BMX Asian Continental Championships sa Singapore. Si Caluag ay sinamahan ni PhilCycling President at 7th District Representative Abraham “Bambol” Tolentino sa ginanap na courtesy call noong Martes. Nasa larawan rin sina Commissioner Salvador Andrada, Commissioner Gillian Akiko Guevara at Commissioner Wigberto Clavecilla.
Home » PRANGKAHAN

