• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Sentido Komun

MASASALIMUOT

Hindi lamang ang mga ground commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang naiinip sa pagkabalam ng negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at ng naturang grupo; naiinip na rin ang kabuuan ng sambayanang Pilipino na matagal nang nananabik na masaksihan ang pangmatagalang katahimikan sa bansa. Hindi lamang ang Mindanao ang ginigiyagis ng mga karahasan na kagagawan ng mga rebeldeng Muslim kundi... 

MANILENYO

Kaugnay ng napipintong pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24, muling gumitaw ang pagtatanong: Ang lahat ba ng Outstanding Manilan ay isinilang sa Maynila? Sila ba ay lantay na Manilenyo?  Read More »

DISIPLINA

MULING pinaugong ng Department of National Defense (DND) ang paghahangad nito na ibalik ang ROTC (Reserve Officers Training Corps) sa curriculum ng mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Kumbinsido ang DND na ang naturang kurso ay isang epektibong instrumento sa pagdisiplina na lubhang kailangan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa Philippine National Police (PNP). Incoming search... 

SK, IPINABUBUWAG

Sa harap ng nalalapit na Barangay elections, hindi dapat manatiling nakabimbin sa Kongreso ang panukalang-batas hinggil sa pagbuwag ng Sangguniang Kabataan (SK). Matagal nang ipinabubuwag ng mga mambabatas ang naturang konseho ng mga kabataan sa matuwid na ito ay nagiging palahian o breeding ground ng katiwalian. Maliban kung magkakaroon ng mga pagbabago, ang barangay polls ay nakatakdang idaos sa... 

PAGHILOM

Karaniwan nating naririnig ang mga pariralang I am sorry, Patawarin mo ako, Hindi ko na uulitin, Matagal na kitang pinatawad. Naririnig din natin ang isang produkto ng malikhaing pag-iisip ­ Hindi ka pa nagkakasala ay pinatawad na kita. Hindi ba Diyos lamang at hindi ang Kanyang mga nilikha ang makapagpapatawad? Incoming search terms:dalawang uri ng libelo Read More »

PAGHIHIMAGSIK

Mabibilang na lamang sa daliri ng kamay, wika nga, ang nabubuhay na mga tunay na bayani ng himagsikan. Subalit nakalulungkot na hindi pa naipadadama sa kanila ang tunay na biyaya na katumbas ng dugo at buhay na pinuhunan nila sa pagtatanggol ng ating kasarinlan. Incoming search terms:pagbabalita tungkol sa ginanap na pagdiriwang ng araw ng kalayaanaraw ng kalayaan 2013 mensahebalita para s araw ng... 

KATAMPALASANAN

MATAGAL nang dapat nilapatan ng mabigat na parusa ang mga magnanakaw sa puntod na hanggang ngayon ay namamayagpag sa iba’t ibang sementeryo sa buong kapuluam. Talamak ang ganitong kabuhungan hindi lamang sa libingan ng mayayaman kundi maging sa karaniwang sementeryo. Walang pinaliligtas ang kasamaan. Incoming search terms:katampalasanankatampalasan Read More »

NAGPARAMDAM

Kasabay ng sunud-sunod na pag-ulan, inihudyat na kamakalawa ang pagdaluyong ng bagyo. Sa pagpaparamdam ng kinatatakutang tropical depression, naramdaman din natin ang kahalagahan ng paghahanda bago maganap ang pananalanta ng mga kalamidad ­ paghahanda na malimit ipinagwawalangbahala ng marami. Dahil dito, nakatunganga na lamang tayo habang winawasak ng bagyo ang ating mga ari-arian.  Read More »

NASASAYANG

Mismong mga mambabatas ang nakadarama ng panlulumo kapag ang binalangkas nilang mga panukalang-batas ay mistulang ‘dead-on-arrival’ sa tanggapan ng Presidente; ito o ang bahagi nito ay kagyat na binebeto. Nasasayang ang pagsisikap ng mga Senador at Kongresista, nauudlot ang mga programang pangkaunlaran ng bansa at ng mismong sambayanan.  Read More »

MAGPAHIRAP

Nakapanlulumo ang ulo ng balita ­ Centenarian Act vetoed. Ibig sabihin, ang naturang batas ay bineto ni Pangulong Benigno S. Aquino III sapagkat ito umano ay oppressive o mapagpahirap. Sa nabanggit na panukalangbatas, ang isang mamamayan na umabot na sa 100 taon o higit pa ay pagkakalooban ng P100,000 at 75 porsyentong diskuwento sa kanilang mga bilihin, lalo na sa gamot. Ito ang naging batayan ng...