
Dibdiban ang pag-eensayo ng mga batang ito bago ang kanilang pagsabak sa Karate-do competition sa 4th OSKA Shido-kan Philippines All Shorin-Ryu National Tournament na idinaraos ngayong Mayo 24-25 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan. JOJO RINOZA

Inihahanda ni Melchor Taneda, guro sa agham sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City, ang mga textbook na ipamamahagi sa mga estudyante sa pagsisimula ng klase sa Hunyo. - Ali Vicoy

Sa pagitan ng rehas na bakal, nasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng mga preso ang pagtatapos ng mga ito sa kolehiyo sa graduation ceremony sa University of Perpetual Help College extension sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Miyerkules. Michael Varcas

Nag-uunahan ang mga binatilyo sa paghuli sa biik sa pampang na malapit sa kapitolyo ng Pangasinan sa Lingayen, bilang bahagi ng PILMICO Poultry, Livestock and Goat Expo at “Farmers Fiesta” sa kapitolyo, na nagtapos kahapon. Jojo Riñoza

Patuloy na dinarayo ng mga turista ang kilala sa buong mundo na Boracay Island sa Malay, Aklan, sa harap na tuluy-tuloy na pagkansela ng mga Taiwanese sa biyahe ng mga ito sa isla. Tara Yap

Nagsisindi ng kandila ang mga empleyado ng ospital para mag-alay ng dasal sa mga biktima ng AIDS sa International AIDS Candlelight Memorial sa Baguio City nitong Huwebes. Rizaldy Comanda

NAPAKASUWERTE ni Julia Barretto! Siya ang pinagkatiwalaan siya ng Dreamscape Entertainment para maging bida sa fantaseryeng Cofradia, na unang nabasa sa komiks (1952) at ginawang pelikula (1953) na pinagbibidahan ni Ms Gloria Romero at naging hit at ni-remake ni Ms Gina Alajar (1973).

NAKAISKOR si Jeng Bualee ng Ateneo nang makalusot ang spike nito sa nagdedepensang si Aleona Santiago ng NU sa pagpapatuloy ng kanilang finals showdown sa Shakey’s V-League Season 10 first conference sa MOA Arena. Tony Pionilla
Home » Pananaw ni Manny V
Ang lumalaking interes ng mga negosyante sa pamumuhunan sa Pilipinas ay hindi lamang sa mga larangan ng pinansiyal, serbisyo, kalakalan at industriya kundi maging sa agrikultura. Nasa ating mga kamay kung paano magbubunga ang interes na ito ng mga proyektong produktibo at pagkakakitaan ng ating mga kababayan. Binanggit ko sa nakaraang artikulo ko ang proyekto ng Hanjin Heavy Industry...
Medyo nalungkot ako nang mabasa ang isang artikulo sa pahayagan TUNGKOL sa panukala ng HHIC-Mindanao, subsidiary ng kumpanyang Koreano na Hanjin Heavy Industry and Construction Co.
(HHIC), na maglunsad ng proyekto para sa pagtatanim ng palay at mais sa Misamis Oriental.
Incoming search terms:mga bagong tuklas sa medisinabalitang sports tungkol sa teknolohiyaeditoryal tungkol sa makabagong...
Isa na namang pagkilala ang tinanggap ng lutuing Pilipino kamakailan, at ito ay nagmula pa sa Timog Amerika, nang ilunsad ang aklat na Sabores del Sudeste Asiatico (Iba’t Ibang Lasa Mula sa Timog-Silangang Asya) sa 39th International Book Fair ng Buenos Aires noong Mayo 1.
Read More »
Kapansin-pansin ang pagtaas ng popularidad ng gawaing pagluluto, na dati’y itinuturing na karaniwang gawaing-bahay lamang. Sa telebisyon lamang, maraming sikat na programa na umiinog sa pagluluto.
Incoming search terms:kultura: yaman ng mga pilipino
Read More »
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P), ang pinakamalaking programa laban sa kahirapan at kaunlarang panlipunan, ay nasa ikalimang taon na ngayon, at umabot na sa P120 bilyon ang pondong nagamit. Sa pagsisimula ng 4P noong 2008 ay 340,391 pamilya ang napasali. Taun-taon ay nadaragdagan ng 54 porsyento ang bilang ng pamilyang kasama sa programa, at noong Setyembre 2012 ay umabot na sa 3.04...
Ang turismo ay isa na ngayon sa mga industriya na nagpapalakas sa kabuhayan ng ating bansa. Lalong nagiging mahalaga ang industriyang ito dahil nakapagbibigay ng hanapbuhay at kabuhayan sa mga lalawigan, kung saan naroroon ang mga destinasyon ng mga turista, at kung saan maraming nangangailangan ng pagkakakitaan.
Incoming search terms:turistang pumunta sa pilipinas noong 2012
Read More »
Sa isang pagpupulong TUNGKOL sa mga dahilan ng paglago ng ekonomiya ng bansa, nabanggit ang malaking bahagi ng remittances o salaping ipinadadala ng mga Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa, na lalong kilala sa tawag na Overseas Filipino Workers (OFW).
Read More »
Ang balita TUNGKOL sa papatiwakal ni Kristel Tejada sa gulang na 16 noong Marso 15 ay nagdulot ng hapdi sa aking damdamin dahil mula siya sa Tondo, kung saan ako isinilang at lumaki. At gaya niya, nag-aral din ako sa Unibersidad ng Pilipinas.
Incoming search terms:arnold clavio learning center in tondo
Read More »
Nakasumpong ako ng ilang pirasong impormasyon sa website ng National Statistical Coordination Board (NSCB) tungkol sa hindi pagkakatugma ng mga kursong tinatapos ng ating mga estudyante at ng pangangailangan ng industriya. Ayon sa NSCB, ang bilang ng mga nagtatapos sa kolehiyo o unibersidad ay hindi gaanong tumataas. Samantala, ang populasyon ng Pilipinas sa nasabing panahon ay tumaas...
Isa sa mga ipinagmamalaki nating pangunahing katangian ng ating ekonomiya ang maraming Pilipino na bihasa sa Ingles at kaalaman sa iba’t ibang trabaho. Ito ang naging daan sa tagumpay ng industriya ng business process outsourcing (BPO), lalo na ang mga call center. Kung gayon, bakit hanggang ngayon ay malaki ang ating suliranin sa hanapbuhay? Mahigit 2.8 milyon ang walang trabaho...