
Lumundag ang binatilyo mula sa Delpan Bridge sa Maynila. Matatanaw mula sa tulay ang makapal na usok na nagmumula sa nasusunog na New Divisoria Mall. Nagsimulang matupok noong Huwebes ng hatinggabi, sinabi ng Bureau of Fire Protection na maaaring umabot ng tatlo hanggang apat na araw ang sunog sa mall. Linus Guardian Escandor II

Nakisaya ang marami sa Fertility Rites Festival sa San Pascual Baylon Parish sa Obando, Bulacan, nitong Biyernes. Ang Obando Fertility Rites ang tatlong-araw na taunang rituwal ng mga Pilipino na dinadagsa ng mga nais magkaanak at mga humihiling ng masaganang ani. - Michael Varcas

DAIG NG MAAGAP… Inihahanda ng tindera ang mga gamit pangeskuwela, gaya ng notebook, na ibinebenta niya sa kanyang puwesto sa Irish School Supplies Store sa Santa Maria, Ilocos Sur, sa inaasahang dagsa ng mga mamimili ng school supplies tatlong linggo bago ang pasukan. Freddie G. Lazaro

Pinagpapatung-patong ng estudyanteng Igorot na si Jherwin Libatique ang mga bato sa “My Planet” museum na itinanghal ng Pinoy artist na si Don Reich de Dios bilang bahagi ng selebrasyon ng 4th Tam-awan International Arts Festival nitong Mayo 15 sa Tam-awan’s Garden sa Sky Village, Baguio City. Rizaldy Comanda

Magbabalik ang Emmy-winning television thriller na 24 sa summer 2014 kasama ang bidang si Kiefer Sutherland, pagkaraan ng apat na taong pamamahinga, inihayag ng Fox network ngayong linggo.
Home » Pahina Siyete

