
Dibdiban ang pag-eensayo ng mga batang ito bago ang kanilang pagsabak sa Karate-do competition sa 4th OSKA Shido-kan Philippines All Shorin-Ryu National Tournament na idinaraos ngayong Mayo 24-25 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan. JOJO RINOZA

Inihahanda ni Melchor Taneda, guro sa agham sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City, ang mga textbook na ipamamahagi sa mga estudyante sa pagsisimula ng klase sa Hunyo. - Ali Vicoy

Sa pagitan ng rehas na bakal, nasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng mga preso ang pagtatapos ng mga ito sa kolehiyo sa graduation ceremony sa University of Perpetual Help College extension sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Miyerkules. Michael Varcas

Nag-uunahan ang mga binatilyo sa paghuli sa biik sa pampang na malapit sa kapitolyo ng Pangasinan sa Lingayen, bilang bahagi ng PILMICO Poultry, Livestock and Goat Expo at “Farmers Fiesta” sa kapitolyo, na nagtapos kahapon. Jojo Riñoza

Patuloy na dinarayo ng mga turista ang kilala sa buong mundo na Boracay Island sa Malay, Aklan, sa harap na tuluy-tuloy na pagkansela ng mga Taiwanese sa biyahe ng mga ito sa isla. Tara Yap

Nagsisindi ng kandila ang mga empleyado ng ospital para mag-alay ng dasal sa mga biktima ng AIDS sa International AIDS Candlelight Memorial sa Baguio City nitong Huwebes. Rizaldy Comanda

NAPAKASUWERTE ni Julia Barretto! Siya ang pinagkatiwalaan siya ng Dreamscape Entertainment para maging bida sa fantaseryeng Cofradia, na unang nabasa sa komiks (1952) at ginawang pelikula (1953) na pinagbibidahan ni Ms Gloria Romero at naging hit at ni-remake ni Ms Gina Alajar (1973).

NAKAISKOR si Jeng Bualee ng Ateneo nang makalusot ang spike nito sa nagdedepensang si Aleona Santiago ng NU sa pagpapatuloy ng kanilang finals showdown sa Shakey’s V-League Season 10 first conference sa MOA Arena. Tony Pionilla
Home » Maganda ang Buhay

