Home » Mabuting Balita

Sir 17:1-15 ● Slm 103 ● Mc 10:13-16

May nagdala kay Jesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan.  Read More »

Sir 6:5-17 Slm 119 Mc 10:1-12

At lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?“ Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises?“ At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.“  Read More »

Sir 5:1-8 ● Slm 1 ● Mc 9:41-50

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mananatiling walang gantimpala. Ngunit kung may tumisod at magpadapa sa isa sa maliliit na ito, mas makabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg….... 

Sir 4:11-19 Slm 119 Mc 9:38-40

Sinabi ni Juan kay Jesus: “Guro, nakita namin ang isang hindi natin kasama na nagpapalayas ng mga demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.“ At sinabi ni Jesus: “Huwag ninyo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang hindi natin kalaban.“  Read More »

Sir 2:1-11 ● Slm 37 ● Mc 9:30-37

Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na si Jesus, tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” Incoming search terms:sir 2:1-11... 

Sir 1:1-10 Slm 93 Mc 9:14-29

Lumapit kay Jesus ang isang lalaki at sinabi na hindi kaya ng mga alagad na palayasin ang masamang espiritu sa kanyang anak. Lubha nang pinahihirapan ang bata ng masamang espiritu simula pa pagkabata. Sinabi ng ama kay Jesus, “Kung kaya mo, pakitulungan kami.“ Incoming search terms:sir 1:1-10 tagalog Read More »

Gawa 2:1-11 Slm 104 Rom 8:8-17 Jn 14:15-16, 23b-26

Nagsara ang mga alagad ng pinto at dumating si Jesus at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan!“ at ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon.  Read More »

Gawa 28:16-20, 30-31 ● Slm 11 ● Jn 21:20-25

Nakita ni Pedro na sumusunod ang alagad na mahal ni Jesus, at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang mag kakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?”  Read More »

Gawa 25:13b-21 Slm 103 Jn 21:15-19

“Mahal mo ba ako?“ tanong ni Jesus kay Simon Pedro. Simagot si Simon, “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.“ Sinabi ni Jesus sa kanya: “Pa kanin ang aking mga kordero… Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Incoming search terms:mga gawa 25 13b-21 Read More »

Gawa 17:15,22 – 18:1 • Slm 148 • Jn 16: 12-15

Tumingala si Jesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung pa anong nasa akin ka, Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nag sugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwal hating ipinagkaloob mo sa...