Balita - Tagalog Newspaper Tabloid » Opinyon

SISIDLANG PUSO
“If only one wished to be happy this could be easily accomplished; but we wish to be happier than other people, and this is always difficult, for we believe others to be happier than we are.“ –  Anonymous

Narito ang ibang mukha ng kaligayahan: Matatapos na ang isang buwang pagbabakasyon ni Roding sa California. Pinadalhan siya ng kanyang Kuya Ernie ng round-trip ticket upang makadalaw sa kanila sa Amerika. Iyon ang huling gabi ni Roding sa Amerika. Hindi na natulog ang magkapatid pagkat hindi matapos-tapos ang kanilang kuwentuhan. Nagtanong si Roding sa kanyang Kuya kung talagang ganoon kabilis ang takbo ng kanilang pamumuhay. Sinagot siya ng kaniyang Kuya ng ganito: “Ang buhay dito ay parang karera ng daga.

Laging naghahabol ng oras. Dahil sa paagod kaming mag-asawa ay hindi na halos magkausap kami sa gabi.

May mga gawain pang naghihintay sa aming pag-uwi. Hindi naman maaasahan ang tatlo naming anak pagkat mga tinedyer na at may kanya-kanyang daigdig na silang iniikutan. Wala ritong katulong.

Samantalang lulan ng eroplanong pabalik sa Pilipinas, pinipilit ni Roding na balikan aang mga pangyayari sa buhay nilang magkakapatid. Dati, namamahay ang inggit sa kanyang puso pagkat nasa Amerika ang kanyang Kuya. Masarap ang buhay roon! Iyon ang akala niya. Ngunit ngayon, maligayang-maligaya siya dahil sa pagkatuklas niya na kahit mayaman ang kanyang Kuya, hindi pa rin niya ipagpapalit ang kalagayan niya sa piling ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Narito ang isang tunay na pangyayari sa aming pook sa Project 8. Naging magkaibigan sina Sonny, ang nag-iisang anak ng mag-asawang negosyante, at si Lito ang anak ng magbobote. Nang yayain ni Sonny si Lito sa kanilang malapalasyong bahay na may security guard sa gate, nakaramdam si Lito ng kakaibang damdamin. Ang Mommy ni Sonny ay nasa Hong Kong namimili para sa kanilang shop. Ang ama ni Sonny na isang businessman na laging abala sa negosyo. Maraming kasama si Sonny sa bahay ­ mga katulong.

Awa sa kaibigan ang nadama ni Lito sa kanyang munting puso. Ngayon niya natuklasan kung bakit nais ni Sonny na magtungong lagi sa kanilang bahay. Masayangmasayang sumalo ito sa kanilang kanin at gulay na ulam.

MAKABULUHANG PAG-AARAL
Binuksan natin kahapon ang paksa tungkol sa aktuwal na paggawa lamang o pag-a-apply ka lamang lubusang matututo. Ipinaliwanag kahapon na magkakaroon ng impact ang iyong mga nabasa o napagaralan kung maia-apply mo ang iyong natutuhan.

Narito ang visible benefits ng aktuwal na paggawa upang lubuang matuto:

Nagkakaroon ka ng mas malawak na pag-unawa kung ano ang kabuluhan ng iyong napag-aralan. ­ Hindi mahirap ang magmotorsiklo, kung nabasa mo sa isang aklat o manual ang mga technique nito. Kapag sumampa ka na sa motor, ang karunungan sa pananatili ng iyong balance, pagmamaneho, at ang angkop na bilis ay nagiging mas mahalaga. Ito ang mga bagay na hindi mo basta matututuhan sa pagbabasa lamang.

Kailangang aktuwal mong gamitin ang motorsiklo upang lubusan mong matutuhan ang pagpapatakbo nito.

Malalaman mo kung iyo ngang gusto ang aktibidad. ­ Sapagkat nabighani ako noon sa pagsasayaw, lalo na kung bahagi ito ng aerobics, sumagi sa isip ko na sa edad ko ngayon (55), baka hindi ko kayahin ang paghabol sa aking hininga. Kaya isinantabi ko ang idea ng aerobics at pagsasayaw na lamang ang inatupag ko. Ngunit nang subukan kong mag-isa sa bahay ang ilang moves ng aerobics ayon sa aking nabasa, Susmaryosep! Gusto ko pala! Marami na pala akong panahong sinayang sa pang-iisnab ng isang anyo ng pagpapaganda ng katawan.

Nagkakaroon ka ng mas malawak na pag-unawa tungkol sa aktibidad. ­ Balik tayo sa motorsiklong halimbawa. Maraming bagay ang hindi mo mapapag-aralan kung magbabasa ka lamang tungkol sa pagmamaneho ng motorsiklo. Sa aktuwal na pagsubok, pagtantiya ng mga galaw at pag-eeksperimento, matututuhan mo agad kung ano ang mas epektibong paraan at ang hindi. Ang mga unang karanasan ang mas kumikintal sa isip.

MANILENYO
Kaugnay ng napipintong pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24, muling gumitaw ang pagtatanong: Ang lahat ba ng Outstanding Manilan ay isinilang sa Maynila? Sila ba ay lantay na Manilenyo?

Ang nabanggit na pag-uusisa ay hindi miminsang nilinaw ng isang Manila City official na kabilang sa mga sumusuri sa pararangalang Outstanding Manilan. Sa talaan ng mga awardees, halimbawa, mapupuna na may mga awardees na ipinanganak sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Maliwanag na hindi naging batayan ang residency o pagiging isang Manila-born. Manapa, pinahalagahan o naging barometro ang integridad ng mga pinararangalan. Kabilang dito ang kanilang mga nagawa sa iba’t ibang larangan ng pakikipagsapalaran para sa kapakinabangan ng siyudad ng Maynila at ng mga mamamayan nito.

Bukod dito, ang mga awardees ay kinilala sa kanilang kontribusyon sa makabuluhang mga programa, negosyo, kaalmaan, inspirasyon at karangalan para sa naturang lungsod. Nakatulong sila sa pagpapalago ng ekonomiya ng siyudad sa paningin ng daigdig, lalo na kung isasaalangalang na ang ilan sa kanila ay pinagkalooban na ng international recognition.

Hindi kailangang maging isang Manila-born ang isang awardee, tulad ng isang malapit na kaibigan na itinanghal na Outstanding Manilan for Journalism. Sa Maynila na siya tinubuan ng tenga, wika nga. Dito na rin siya nag-aral hanggang sa makatapos ng naturang kurso. Dito siya namasukan bilang reporter ng isang nangungunang peryodiko sa bansa. Katunayan, ang Manila City hall ang kanyang unang political beat. Naging daan ito upang siya ay makasulat ng makabuluhang mga report tungkol sa kultura, kasaysayan, pulitika at iba pang pangyayari sa siyudad.

Sa pagiging isang Outstanding Manilan, hindi dapat mahadlang ang residency issue. Walang kailangang kung siya man ay bansagang isang mestisong Manilenyo. Mahalaga na sila ay naging bahagi ng lungsod at karapat-dapat ituring na isang tunay na Manilenyo.

HAMON SA MGA UNIBERSIDAD
Nasa Pilipinas ang ilan sa pinakamatatandang unibersidad sa Asia. Ang Unibersidad ng Santo Tomas na itiinatag noong 1611 ang pinakamatanda sa Asia at isa sa pinakamalalaking pamantasang Katoliko batay sa dami ng mag-aaral sa isang kampus.

Ang Ateneo de Manila, na nagsimula noong 1859. Nag-aral dito ang ating pambansang bayani, si Dr.

Jose Rizal. Sina dating Pangulong Cory Aquino, Gloria Macapagal Arroyo, Joseph Estrada at Fidel Ramos at kasalukuyang Pangulong President Benigno S. Aquino III ay nag-aral din dito.

Ang Unibersidad ng Pilipinas, na itinatag noong 1908, ang pinasukan ng pitong pangulo ng Pilipinas,13 punong mahistrado, 36 pambansang alagad ng sining at maraming matataas na opisyal ng pamahalaan at mga abogado.

Marami pa tayong unibersidad na nakapagbunga ng mga natatanging propesyonal sa iba’t ibang larangan at ngayo’y pinakikinabangan ng pribado at pampublikong sektor. Dahil sa mahaba at malawak nating karanasan sa edukasyon, ikinalungkot ko ang mababang antas na tinanggap ng ating mga pamantasan mula sa Quacquarelli Symonds (QS) sa taong ito.

Ang Quacquarelli Symonds Ltd., na itinatag ng estudyanteng si Nunzio Quacquarelli noong 1990, ay kinikilala ngayon bilang nangungunang institusyon sa pagpapakadalubhasa sa edukasyon, na ang mga aktibidad ay sumasaklaw sa 50 bansa.

Sa listahan ng Quacquarelli Symonds ng nangungunang 300 unibersidad sa Asia sa 2013, lima lamang ang nagmula sa Pilipinas, mas mababa kaysa sa 14 na napasama noong 2012, 15 noong 2011 at 18 noong 2010. Ang pinakamataas na antas para sa isang pamantasang Pilipino ay nakamit ng Unibersidad ng Pilipinas, na sa ika-67 antas, mas mataas kaysa sa ika-68 na antas nito noong 2012. Ang antas ng Ateneo ay bumaba mula sa ika-86 hanggang ika-109; ang Santo Tomas ay bumaba sa ika-150 mula sa ika-148; at ang De La Salle ay bumaba sa ika-151-160 mula sa ika-142. Ang University of Southeastern Philippines ay namalagi sa antas na 251-300.

Dapat magsilbing hamon sa ating mga unibersidad, at maging sa pamahalaan, ang pagbaba ng antas ng ating mga pamantasan. Dapat pagaralan ang mga batayang ginagamit ng Quacquarelli Symonds upang makagawa ng nararapat na hakbang para pataasin ang antas ng ating mga unibersidad.

Ang pagtaas ng antas ng ating mga pamantasan ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga institusyong ito, kundi para sa ikagaganda ng imahe ng ating bansa lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandaigdig na kumpetisyon.

(Durugtungan)

Incoming search terms:

ulat tungkol sa edukasyon

kaarawan ni jose rizal

kultura tungkol sa pilipino

mga balita tungkol sa edukasyon hunyo 18 2013

THE MOTHER TONGUE-BASED MULTI-LINGUAL EDUCATION
Bukod sa pangangailangang makapagtapos muna ang mga batang Pilipino ng kindergarten bago tanggapin ang mga ito sa Grade 1, at sa pagdadagdag ng Grade 1 at 12 (senior high school) sa basic education, mandato ng bagong aprubang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang K to 12 Law, na gamitin ang Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Sa MTB-MLE, tuturuan ang mga bata sa wikang ginagamit ng mga ito sa kanilang tahanan pati na sa mga diskusyon sa loob ng silid-aralan.

Unang ipinatupad ang MTB-MLE na may positibong resulta sa 921 paaralan sa buong bansa noong school year 2011-2012, at muli sa school year 2012-2013 na gamit ang kahit ano sa 12 pangunahing wika ­ Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano ­ sa dalawang module: bilang learning/subject area at bilang medium of instruction. Lubusang ipatutupad ang programa sa school year 2013-2014 bilang pangunahing bahagi ng K to 12 law.

Bilang isang subject, nakatuon ang MTB-MLE sa pagbabasa at pagsasalita mula Grade 1 hanggang 3. Bilang medium of instruction, ang wika sa tahanan ang gagamitin sa lahat ng pagtuturo para sa Kindergarten hanggang Grade 3, at sa Alternative Learning System. Ang Filipino ang ituturo sa 1st semester ng Grade 1 para sa oral fluency at sa pagbabasa at pagsusulat sa 2nd semester. English ang ituturo sa 2nd semester ng Grade 1 habang magsisimula naman ang pagbabasa at pagsusulat sa English sa 1st semester ng Grade 2. Sa Grade 1, ang mga subject sa katutubong wika ay kinabibilangan ng Mathematics, Araling Panlipunan, Music, Arts, Physical Education and Health at Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ipinakikita sa pag-aaral ng Department of Education na sa paggamit ng mother tongue ay ang pinakaepektibong paraan ng pagkintal ng karunungan. Ipinakikita rin sa ibang pag-aaral na sa paggamit ng katutubong wika sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ay nakapagdudulot ng mas mahusay at mas mabilis na mga mag-aaral na mdaling matuto ng pangalawa (Filipino) at pangatlong wika (English). Lalong huhusay ang oral skills ng mga bata sa bisa ng wikang katutubo; nagiging tanghalan ang silid-aralan para sa pagkanta, pagsayaw, paglalaro, pagpapakita ng likhang-sining, at pagkukuwento sa sarili nilang wika.

Binabati natin ang Department of Education sa pangunguna ni Secretary Bro. Armin A. Luistro, Undersecretaries Rizalino D. Rivera, Francisco M. Varela, Alberto T. Muyot, at Yolanda S. Quijano, at iba pang opisyal sa kanilang pagbalangkas ng mga programa at polisiyang pang-edukasyon na maghahanda sa bagong henerasyon ng mga Pilipino upang maging mahusay sa daigdig sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

ano ang multi-based ng wikang filipino

mga subject sa grade 1

mother tongue tagalog grade 2

multi-based ng wikang filipino

2 Cor 9:611 Slm 112 Mt 6:16, 1618
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitang-tao ang inyong gawa. Kung ganito ang gagawin ninyo, wala na kayong gantimpala sa inyong Ama na nasa Langit. Kaya kapag nagbibigay ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa uahan gaya ng ginagawa ngmga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang magaayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nagaayuno na pakitang-tao kundi para sa iyong Ama na nakakikita sa lahat. At gagantim palaan ka ng iyong Ama na nakakikita sa lahat ng lihim.“

PAGSASADIWA

Magingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Ang pag-aayuno, pagbibigay ng limos, at pananalangin ay hindi lamang mga panlabas ng gawain na ipinapakita sa mga tao upang hangaan at papurihan. Sapagkat kung ganun, ang sarili ang nabibigyan ng parangal at hindi ang Diyos. Ang diwa ng panalangin, pagbibigay-limos, at pag-aayuno ay ang pakikipagkaisa sa Diyos na may likha ng lahat. Sa Diyos lamang nagmumula ang kaganapan at kagalakan ng buhay. Kung ginagawa ang mga bagay na ito para sa Diyos at hindi pakitantao lamang, “ang iyong Ama na nakakikita sa mga lihim [na paglilimos] ang siyang gagantimpala sa iyo“.

HAHALILI ANG LIWANAG
Lahat ay may katapusan. Iyan ang pampawi sa lahat ng kahirapan. Iyan din ang pang-aliw sa lahat ng namimighati. Hahalili sa kalungkutan ay pitong susong kaligayahan.

Nabulabog noon ang matatandang paham na kasangguni ng hari. Pinulong sila ng hari at pinagawa ng isang kasabihan na makalulutas sa lahat ng kanyang problema at makapagpapagunita rin kung siya ay nakalimot sa kanyang tungkulin. Kailangang may katotohanan ang mga salitang iyon. Walang paglipas. Mabisa. Maikli at maitatatak sa kanyang singsing. Pagkaraan ng ilang araw na walang tulugan, iniharap nila ang isang papel na ito ang nakasulat: This, too, shall pass away.

Tuwang-tuwa ang hari, ‘pagkat mula noon ay nawala na ang kanyang problema. Ang ibig sabihin nito ay hindi na niya dinaramdam ang mga krisis na dumarating sa kanyang buhay. Mula noon ay naging mabuti siya pagkat hindi siya nagmalabis sa kaniyang tungkulin.

Sa mga nagtatamasa ng kayamanan at mataas na katungkulan – lilipas din iyan. Walang “Magpakailanman” sa daigdig na ito. Sa mga gahaman at madalas gumawa ng mga himala pagkat nasa itaas sila – lilipas din iyan. Lahat ay may katapusan sa mundong ito.

Sa mga namimighati – ang pagdaramdam na iyan ay mapapawi rin ng panahon. Ganyan ang nangyari kay Mrs. Jacob Walker, isang matandang biyuda na lighthouse keeper. Ito ang buong kwento hinggil kay Mrs. Walker: Noong bagong kasal sila, ayaw na ayaw niyang tumira sa parolang iyon na pawang tubig ang nakapaligid. Pagkaraan ng apat na taon, namatay ang kanyang kabiyak. Naiwan siyang nag-iisa sa parolang iyon. Tuwing umaga, tinatanaw niya sa kabilang pampang ang libing ng kanyang asawa na parang bumubulong sa kanya: Mind the light. Iyon ang matibay niyang inspirasyon.

Ang wika ni Dr. James Gordon Gilkey, isang pastor: A self-pitying life is a doomed life. Only the life which deliberately packs up and starts over again is victorious. Ang pamimighati ng biyudang iyon ay lumipas din.

Sa mga naghihirap sa kasalukuyan dahil sa krisis na sumapit sa ating bansa, magandang pang-aliw ang kasabihang ibinigay sa hari: This, too, shall pass away.

ISANG PARAAN NG PAGTUKLAS
NAG-EENJOY ka ba habang ikaw ay nag-aaral?  Ako sobra.  Nasasabik akong makatuklas ng bagong karunungan upang mapabuti ko ang aking sarili, pati na ang pakikitungo ko sa aking kapwa.  Noong nagsisimula pa lamang akong magsulat para sa Balita at maging hanggang ngayon, masaya akong nangangalap ng kaalaman upang ibahagi sa mga mambabasa.  Lagi akong naglalaan ng oras upang magbasa ng blogs, on-line magazines at e-books.  May mga pagkakataon din na nagkakapare-pareho ang aking mga natutuklasan ngunit nagkakaiba naman sa version.

Sa dami ng aking nababasa at naipapasa naman sa iba, nakaramdam ako ng kakulangan.  Hindi ko naramdaman na naging mas mabuti ang aking pagkatao o kaya nagkaroon ng improvement ang aking pakikipag-ugnayan sa aking mga kasama.  Ang kakulangang iyon ay ang aktuwal na paggawa.

So, simula nang i-apply ko sa aking sariling kakayahan ang aking mga bagong tuklas na karunungan, nagkaroon ng malaking pagbabago ang aking buhay.  Suddenly, nagkaroon na ng impact ang lahat ng aking nabasa, ang lahat ng katotohanan, ang lahat ng suggestions at tips.  Malaki talaga ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng karunungan at ng aktuwal na paggawa.

Kung magbabasa ka ng lahat ng aklat tungkol halimbawa sa gymnastics, maaaring isipin mong madali lang ang tumambling sa balance beam.  Pero ang magsuot ng leotards at knee at ankle rubber protectors at tumayo sa unang pagkakataon sa biga na mahigit 16 ft ang haba, 4 ft ang taas, at 4 inches ang lapad, tiyak na mas marami kang oras na tumayo o maupo na lamang doon kaysa tumambling at mag-acrobatics.  Totoo nga ang kasabihan na “Practice makes perfect.”

Bukas, tatalakayin natin ang visible benefits ng aktuwal na paggawa upang matuto.  Sundan.

DISIPLINA
MULING pinaugong ng Department of National Defense (DND) ang paghahangad nito na ibalik ang ROTC (Reserve Officers Training Corps) sa curriculum ng mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Kumbinsido ang DND na ang naturang kurso ay isang epektibong instrumento sa pagdisiplina na lubhang kailangan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa Philippine National Police (PNP). Bukod dito, ang ROTC ay isang institusyon na tiyak na panggagalingan ng mga elemento na kailangan sa pagpapanatili ng katahimikan. Lalo na ngayon na ang kapaligiran ay ginigiyagis ng mga karahasan at pagpapatayan ng ating mga kababayan.

Noon, ang ROTC ay sapilitang ipinatutupad sa mga pamantasan bilang pre-requisite sa pagtatapos ng anumang four-year course. Ibig sabihin, walang matatawag na degree holder kung hindi natapos ang naturang kurso.

Subalit noong 2001, ang ROTC ay ginawang optional course alinsunod sa batas na lumikha ng National Service Program for the Tertiary Students. Naging batayan din marahil sa naturang pagbabago ang mga ulat hinggil sa malulupit na hazing na ikinamatay ng mga kadete.

May mahahalagang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagbuhay ng sapilitang ROTC course, lalo na ngayon na kabilang na ang mga kababaihang estudyante sa nasabing programa.

Kung mapauunlakan ang panawagan ng DND, marapat na pawiin ng nabanggit na ahensiya na ang pagbabalik ng ROTC course ay hindi mababahiran ng mararahas na hazing. Magugunitang isang kadete sa isang unibersidad sa Maynila ang pinatay dahil sa kanyang pagbubunyag ng mga katiwalian sa ROTC program sa kanyang paaralan. Marami ring insidenteng katulad nito ang naganap sa iba pang institusyon na naghudyat ng kawalan ng tiwala sa nabanggit na kurso.

Sa kabila ng ganitong pangamba, kaisa tayo sa paninindigan ng DND na ang muling implementasyon ng ROTC program ay katumbas ng mabuting disiplina.

Incoming search terms:

artikulo ng karahasan

PARA SA IYO, P’RE
PARE, lasenggo ka ba o durugista? Lasenggo ka ba at durugista pa? Kung nagmamaneho ka pa, tapos na ang maliligayang araw mo. Kung dati nakakaligtas ka, ngayon may kalalagyan ka na.

Hindi pa natatagalan ay nilagdaan na ni Pangulong Noynoy ang isang panukalang-batas kaya ngayon ay batas na ang tinatawag na “Anti-Drugged and Drunk Driving Act of 2013”. Ang batas na ito ay magpaparusa sa mga driver na mahuhuling nagmamaneho ng lasing o bangag or both sa ipinagbabawal na gamot. Meaning, kung nakatoma ka, P’re, lumayo ka muna ng ilang kilometro sa manibela. Gayundin naman, P’re, kung nagdroga ka. Dahil kapag natiyempuhan ka, himas-rehas ka na, magmumulta ka pa ng katakut-takot na salapi, as in thousands, P’re. Umpisa pa lang iyan, P’re.

Nagtatakda rin ng mas mabigat na parusa kapag ang isang driver na enggoy o naka-droga ay nasangkot sa aksidente lalo na kung may natigok.

Ang multa sa isang driver na lasing o naka-droga ay P200,000; kapag may nasaktan sa kinasangkutang aksidente at may natigok, P500,000. At hindi lamang iyan, P’re. May kasama pang kulong iyan ayon sa itinakda ng Revised Penal Code.

Bukod sa mga parusang iyan, P’re, meron pa. Kapag ang lisensiya mo ay non-prof, para sa unang pagkakasala ay sususpindehin ito ng 12 buwan. Pero sa pangalawa, tuluy-tuloy na. Hindi ka na magkakaroon ng lisensiya.

Ang totoo, matagal nang nagkaroon ng batas na ganito. Lumilitaw kasi sa mga pag-aaral na karamihan sa mga aksidente sa lansangan ay kagagawan ng mga driver na enggoy kung hindi man bangag. Mabuti na lamang at naisabatas na rin ang bagay na ito. Kahit paano, baka mabawasan kung hindi man lubusang masugpo ang pagmamalabis ng ilang driver sa mga lansangan.

Kaya, P’re, kung lasenggo o durugista ka, ingat ka at huwag ka nang hahawak ng manibela. Pero mas mabuti ay tumigil ka na, P’re, sa pagtoma at pagdudurog para huwag kang magsisi.

Sa impiyerno ka lang dadalhin ng bisyo mong iyan.