Home » Probinsya

Kababaihang kandidato, tinangkilik ng N.Ecija

CABANATUAN CITY – Labintatlo sa mga lokal na puwesto ang pinanalunan ng mga Nobo Esihana nitong nakaraang halalan. Pasok bilang kinatawan ng lalawigan sa Kongreso sina Estrellita “Ging“ Suansing, ang maybahay ni Bureau of Customs Deputy Commissioner Horacio “Toto“ Suansing para sa 1st District at Magnolia Antonino-Nandres, anak ni Cong. Rody Antonino, 4th District.  Read More »

‘Turista’, arestado sa illegal drugs

BORACAY Island, Aklan–Isang lalaki na nagkukunwaring turista sa islang ito ang hinuli ng awtoridad sa isang boarding house matapos mahuling nagdadala ng ilegal na droga. Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Sergio Santiago ng Pasay City, pansamantalang naninirahan sa Sitio Tulubhan, Barangay Manoc, Boracay. Narekober sa kanya ang ilang bulto ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga... 

Mag-lola, namatay sa sunog

TARLAC CITY- Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang matandang babae at kasamahan sa bahay nang sila ay malitson sa sunog na naganap noong isang gabi sa Sitio Homesite, Barangay San Rafael, Tarlac City. Batay sa isinumiteng report ni PO2 Michael Ruiz kay Supt. Bayani Razalan, OIC ng Tarlac City Police Station, kinilala ang mga nasawi na sina Marina Santos, 78, at Lawrence Santos, 18,... 

Pekeng pera, ibinebenta sa Laguna

Camp Vicente Lim – Nahuli ng pulisya ang isang digital graphic artist sa aktong nagbebenta ng pekeng pera sa Laguna. Kinilala ang suspek na si Arnold Ramos, 32, na naaresto sa kanyang bahay sa Barangay Uno, Pagsanjan, 2:30 ng umaga noong Martes.  Read More »

Dating opisyal, binaril sa mata

ANTIPOLO CITY – Isang 50 anyos na dating barangay chairman ang napatay nang barilin sa kanang mata sa Barangay Sta. Cruz, Antiolo City kahapon. Sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Rollie Anduyan, ang biktima ay nakilalang si Rina Junio, hiwalay sa asawa, nakatira sa 163 Sitio East Kamis, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City. Idineklara... 

Endangered species, nasabat sa Palawan

Nabawi at nailigtas ng Department of Environmental ang Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) ang milyong halaga ng endangered species ng ibon sa Maritime sa Sitio Palo-palo, Barangay Burirao Narra, Palawan, kamakalawa ng hapon.  Read More »

Tindero nasawi, 6 sugatan sa pamamaril

ANTIPOLO CITY – Isang 42-anyos na tindero ng tinapa ang napatay at anim na iba ang nasugatan sa pamamaril sa harap ng isang supermarket sa Marcos Highway sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal, nitong Martes. Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Rollie Anduyan, agad na nasawi sa mga natamong bala mula sa .45 caliber... 

Retiradong pulis vs political dynasty

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Nagwakas na ang 25-taong pamamayagpag ng pamilya Ting sa Tuguegarao City sa Cagayan makaraang talunin ng isang retiradong police general nitong eleksiyon. Tinalo ni retired Gen. Jefferson Soriano ang re-electionist na si Mayor Delfin Ting, makaraang lumamang ang dating pulis ng 1,132 boto.  Read More »

Pagkain ng aso, maaaring makamatay

Naghain ng resolusyon si Las Piñas City Rep. Mark Villar na layuning palakasin ang RA 8485 (Animal Welfare Act of 1998), na ayon sa kanya ay matagal nang umiiral ngunit patuloy ang talamak na bentahan ng karne ng aso, partikular sa lalawigan.  Read More »

Flights galing Taipei, kinansela na

KALIBO, Aklan – Isa-isa nang nakakansela ang iba’t ibang direct flights mula sa Taipei papuntang Kalibo International Airport (KIA), ayon sa Civil Aviations Authority of the Philippines (CAAP). Ayon kay Engr. Percy Malonesio, hepe ng CAAP-Kalibo, simula kahapon, Mayo 22, ay kanselado na ang flights galing sa Taipei patungong Kalibo, bunsod ng tensiyon ng Pilipinas at Taiwan.  Read More »