• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Daigdig

Rebelde inaarmasan

AMMAN/LONDON (Reuters) – Sinabi ni Russian President Vladimir Putin, dumating sa Britain bago ganapin ang G8 summit na mag tutuon sa desisyon ng U.S. na armasan ang mga rebelde ng Syria, na hindi dapat sinusuportahan ng West ang mga mandirigmang kumakain ng tao.  Read More »

Ama pinugutan

(AFP) – Pinugutan ng isang dalagita ang kanyang ama gamit ang bush knife matapos siyang paulit-ulit nitong gahasain sa kanilang bahay sa Papua New Guinea, ayon sa isang ulat.  Read More »

Eleksiyong Kuwait

KUWAIT (Reuters) – Nilusaw ng Kuwait constitutional court ang parliament noong Linggo at nanawagan ng bagong eleksiyon sa ilalim ng voting system na ibinasura ng oposisyon.  Read More »

Hand transplant

BOSTON (AP) – Sisimulan ng isang ospital sa Boston ang world’s first hand transplant program for children, at sinabi ng mga doktor na hindi na magtatagal ay maiaalok na rin nila ang face transplant at iba pang radical operation sa mga bata.  Read More »

UK hacking

London (AP) – Iniulat ng pahayagang The Guardian na pinapasok ng British eavesdropping agency na GCHQ ang mga telepono at email ng foreign diplomats sa tuwing host ang U.K. ng mga international conference, minsan ay naglalatag pa ng bugged Internet café sa paghahangad na makalamang sa high-stakes negotiations.  Read More »

Nicaragua, aalagwa

MANAGUA (DPA) – Layunin ng naghihikahos na Nicaragua na kumita nang malaki sa pagtatayo ng isang $40-billion waterway na makikipagkompetensiya sa Panama Canal. Incoming search terms:lokal na balita pang ekonomiya Read More »

Lolong weightlifter

PHOENIX (AP) – Hindi lang basta binura ng isang 91-anyos na weightlifter sa Arizona ang world record para sa bench press, nagbuhat siya ng karagdagang 52 pounds (23.5 kilograms) sa unang record para sa higit 90-anyos, na naitala noong 2005.  Read More »

Internet balloon

CHRISTCHURCH, New Zealand (AP) – Kulubot at hungkag sa umpisa, ang translucent, jellyfish-shaped na mga lobo na inilunsad ng Google noong nakaraang linggo mula sa nagyeyelong lugar sa pusod ng South Island, New Zealand ay tumigas at nagmukhang makintab na kalabasa habang pumapaimbulog sa asul na langit sa Lake Tekapo, naipasa ang unang malaking paghamon sa hangaring maging online... 

President Rowhani

TEHRAN (AFP) – Sinabi ng 64-anyos na moderate cleric na si Hassan Rowhani na ang kanyang pagkakapanalo bilang bagong presidente ng Iran ay isang “victory of progress“ laban sa extremism, habang libu-libo ang nagdiwang sa lansangan at maingat na tinanggap ng iba pang lider sa mundo ang resulta ng halalan.  Read More »

NoKor, makikipag-usap sa US

PYONGYANG, North Korea (AP) – Nag-alok kahapon ang liderato ng North Korea ng high-level nuclear at security talks sa Amerika sa apelang ipinadala ilang araw makaraang kanselahin nito ang pakikipag-usap sa South Korea.  Read More »