• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Dagdag Balita

Cuba embassy sa Manila, magsasara

Isasara ng Cuban ang kanyang embahada sa Manila dahil sa problemang pinansiyal sanhi ng global economic crisis at pagharang ng United States. Ayon kay dating Cuban Ambassador to the Philippines Jorge Rey Jimenez, na “painful decision” ang pagsasara ng embahada sa Pilipinas.  Read More »

Voters’ registration sa barangay, SK

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa Hulyo ang voters’ registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., simula sa Hulyo 1 ay maaari nang magpatala sa mga Comelec offices ang mga botante na nais makaboto sa Barangay elections, sa regular office hours o mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes... 

Annexes ng peace deal, binubusisi

Masusing pinag-aaralan ng gobyerno ang huling tatlong annexes ng kasunduang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang maiwasang maulit ang kontrobersiya at kaguluhang nilikha ng una at nabalewalang ancestral domain agreement.  Read More »

Traffic enforcers sa hapon, dadagdagan

Upang matutukan ang trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong tag-ulan, nagpakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng karagdagang traffic enforcers sa hapon. Layunin nitong maiwasan ang pagsisikip ng trapiko na gaya ng nangyari noong Hunyo 13, dahil sa malakas na ulan at baha na sinabayan ng high tide.  Read More »

Google TESDA

Higit na mapabibilis at mapadadali ang pagbibigay ng serbisyo-publiko ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa tulong ng Google Apps for Education. Incoming search terms:Google Apps for tesda Read More »

Piloto, suspendido

Sinuspinde na ang piloto ng eroplano ng Cebu Pacific na sumadsad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Huwebes.  Read More »

Medallion, pinagpapaliwanag

Nagpalabas ng show cause order ang Maritime Industry Authority (Marina) Regional Office laban sa may-ari ng Medallion Shipping Lines, na may-ari ng RORO vessel na lumubog sa Burias Island sa Masbate, kamakailan. Sinabi ni Marina Administrator Maximo Mejia Jr. na wala pa silang nakikitang dahilan para suspendihin ang nasabing kumpanya na pagmamay-ari ni Corazon Fulache.  Read More »

Natipid, bubuwisan

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring isauli sa donor o itago na lang ng mga kumandidato noong nakaraang buwan ang perang natipid nila sa pangangampanya.  Read More »

Basura, sosolusyunan

Maituturing na pangmatagalang solusyon sa matinding problema sa basura ang pagkakaroon ng materials recovery facility (MRF) sa mga barangay sa buong Metro Manila, ayon sa Mother Earth Foundation. Incoming search terms:programa sa gobyerno tungkol sa solid waste Read More »

Mosyon ni Ampatuan Sr, tinanggihan

Hindi pinayagan ng korte ang motion ni dating Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampatuan Sr., na alisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga akusado sa naganap na Nobyembre 23, 2009 “Maguindanao Massacre“ dahil umano sa kakulangan ng merito.  Read More »