• Hindi na napigilan si San Antonio Spurs point guard Tony Parker (No. 9) ni Miami Heat point guard Mario Chalmers (No. 15) sa paglusob sa ring sa Game 5 ng NBA Finals basketball series sa San Antonio, Texas kahapon. Wagi ang Spurs sa score na 114-104. Reuters/Brendan Maloney

  • Nagpang-abot ang mga miyembro ng Alyansa Kontra Demolisyon at mga operatiba ng Quezon City Police District sa bahay ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Times Street, Quezon City kahapon, nang magsagawa ng kilos-protesta ng mga maralita laban sa patuloy na demolisyon ng kanilang kabahayan sa ilang lugar sa siyudad. Jim Guiao Punzalan

  • Inukit ng isinilang sa Pilipinas na ceramist na si Raimundo Folch ang bust ni Dr. Jose P. Rizal na pinasinayaan sa Parque Alameda Apodaca sa Cadiz City, Spain, kamakailan. Sa kanyang speech sa seremonya, sinabi ni Senator Edgardo J. Angara, “This statue solidifies the shared history and culture between the two nations, symbolizing the growth of our relationship from colony and colonizer to that of equals with a shared future of collaboration and cooperation.”

  • Kabilang ang tatlong cosplayers na ito sa dumalo sa Toy Convention sa isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Sabado. Jim Guiao Punzalan

  • Sa harap ng mga rescue dummy, nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng Naval Reserve Command, sa pamumuno ni Commodore George Catameo, sa kanilang mga tauhan at kagamitan sa NRC Headquarters sa Intramuros, Manila nitong Linggo, bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Jacqueline Hernandez

  • Naglalakad ang dalawang dayuhan sa pampang ng sikat na Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan. Liezle Basa Iñigo

  • Kapag walang pasok, tumutulong si Benjie Laguardia, 12, ng Bgy. Inmalog Sur sa San Fabian, Pangasinan, sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako, na ikinabubuhay ng kanyang pamilya at nagpapaaral sa kanya. Jojo Riñoza

  • Anim na taon makaraang maging operational, ipinananawagan na aprubahan ang P311-million expansion plan para sa Iloilo International Airport upang mapabuti ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang pasahero. Tara Yap

  • Ito ang arrive ni Lovi Poe nang mag-perform siya ng ilang production number sa launch ng kanyang Bench Lovi Poe Love Affair cologne nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

  • Nalusutan ni Manu Ginobili ng San Antonio Spurs, kaliwa, ang depensa ni Dwyane Wade ng Miami Heat upang umangat patungo sa basket sa ikalawang hati ng kanilang sagupaan sa Game 5 ng NBA Finals kahapon ng umaga ng San Antonio. Nanaig ang Spurs, 114-104, upang kunin ang 3-2 na bentahe sa serye. (AP Photo/John G. Mabanglo)

Home » Balitang Cute

Gay Games

Hunyo 18, 1994, nagbukas ang 4th Gay Games sa New York City. May 10,000 atleta mula sa 44 na nasyon, kabilang ang mga HIV-positive na pinayagang pumasok sa United States matapos luwagan ang visa rules, ang nagpaligsahan sa 31 events. Si Greg Louganis at Billie Jean King ang nagbigay ng opening speeches, habang si Sir Ian McKellen ang nanguna sa closing ceremonies.  Read More »

Statue of Liberty

Hunyo 17, 1885 nang dumating ang Statue of Liberty sa New York Harbor sakay ng barkong French na Isere. Ang estatwa, may taas na 151-talampakan at may bigat na 255 tonelada, ay espesyal na regalo ng France bilang simbolo ng kalayaan at pagkakakilanlan ng mga Amerikano.  Read More »

Lincoln speech

Hunyo 16, 1858 nang sinabi ni noo’y Senatorial candidate Abraham Lincoln sa isang talumpati sa Springfield, Illinois na kailangang maresolba ang isyu ng pang-aalipin, idineklarang, “A house divided against itself cannot stand.“  Read More »

Robin Hood

Hunyo 14, 1991, ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Robin Hood: Prince of Thieves,“ na pinagbibidahan ni Kevin Costner bilang si Robin Hood. Ang pelikula na, rated PG 13, ay nasa kategorya ng action/ adventure, historical, drama, at romance. Ipinamahagi ng Warner Bros. Pictures at ginawa sa United States, tumabo ang pelikula ng $390,493,908.  Read More »

Jerry Lee Lewis

Hunyo 13, 1989, nakuha ni Jerry Lee Lewis, ang “pianoplaying rock `n roll pioneer,“ ang kanyang bituin sa Hollywood Walk of Fame. Si Lewis ay bantog sa kanyang high energy, electric performances, at kontrobersyal na buhay.  Read More »

Natatanging awitin

Hunyo 11, 1969 nang ang awiting “The Ballad of John and Yoko” ng Beatles, inilabas noong Mayo 30, 1969 sa United Kingdom, ay nanguna sa UK music charts. Ang awitin ay isinulat ni John Lennon, at nanatili sa number one chart position sa UK ng tatlong magkakasunod na linggo. Inirekord ito noong Abril 14, 1969, at inilabas noong Hunyo 4, 1969 sa Amerika.  Read More »

Pinatubo, sumabog

Hunyo 10, 1991 nang inilikas ang 14,500 katao sa Clark Air Base sa pangambang sasabog ang 5,725-talampakang Mt. Pinatubo. Makalipas ang ilang araw, 350 katao ang nasawi sa pagsabog at kumalat sa hangin ang abo at sulfur dioxide.  Read More »

Iron Lady

Hunyo 9, 1983 nang naging landslide ang panalo ni Margaret Hilda Thatcher, prime minister ng United Kingdom mula 1979 hanggang 1900, at lider ng Conservative Party mula 1975 hanggang 1990, sa United Kingdom General Elections.  Read More »

Muhammad ibn Abdulla

Hunyo 8, 632 A.D. nang pumanaw si Muhammad ibn Abdulla, ang kinikilalang nagtatag ng Islam. Pumanaw si Mohammad sa Medina, na ngayon ay Saudi Arabia. Kapiling niya ang ikatlong asawang si Aishah sa kanyang pagpanaw.  Read More »

Grease

Hunyo 7, 1972 nang unang ipalabas ang musical na “Grease“ sa Broadhurst Theater sa New York City. Matagal nang ipinalabas ang “Grease“ sa iba’t ibang lugar sa Amerika, ngunit ito ang unang pagkakataon na ito ay ipinalabas sa Broadway.  Read More »