Home » Balita

1.5M sa Bora, kayang-kaya — DOT

Ni Jun N. Aguirre BORACAY ISLAND – Tiwala ang Department of Tourism (DOT) na maaabot pa rin ang target na 1.5 milyong turista sa isla ng Boracay sa Aklan ngayong 2013. Ayon kay Tim Ticar, acting officer ng DOT-Boracay, simula Enero hanggang Abril ay umabot na sa 519,462 turista ang dumayo sa isla.  Read More »

Tribong Blaan, mabibiyayaan ng maraming trabaho

Mas maganda ang kinabukasan ng mga tribong Blaan sa mga trabahong idudulot ng mga training program ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) at Department of Education (DepEd). Una nang sinasabi ni Bai Dalena Samling, lider ng Blaan, limitado ang oportunidad sa trabaho ng komunidad ng mga katutubo dahil sa kakulangan nila ng edukasyon.  Read More »

BoC alerto vs kontaminadong Chinese rice

Nakaalerto ngayon ang pamunuan ng Bureau of Customs (BoC) kaugnay ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) sa posibilidad na makapasok sa bansa ang bigas na galing China, na umano’y nagtataglay ng mataas na “lead content.”  Read More »

Coconut industry sa ‘Pinas, lalakas

Malaki ang tiwala ng gobyerno na sisigla pa ang industriya ng niyog sa Pilipinas matapos magpahayag ng intensiyon ang isang malaking kumpanya ng food service sa Houston, Texas, USA. Nabatid kay Trade Rep. Archimedes Gomez ng Philippine Trade and Investment Center sa Los Angeles, na malaki ang interes ng kumpanyang CHISCO, ang higanteng food service conglomerate sa Amerika na umangkat... 

Batangas: Bomba, iniwan sa korte

LIPA CITY, Batangas – Isang improvised rifle grenade ang natagpuan sa loob ng comfort room sa Bulwagan ng Lipa City, Batangas. Bandang 11:20 ng umaga nitong Mayo 21 nang matagpuan ng dalawang empleyado ng korte ang bomba na naka-tape sa kahon sa loob ng palikuran ng mga lalaki.  Read More »

Bagong Cybercrime Law, isinusulong

Magkakaroon ng bagong bersiyon ang Cybercrime Law. Ito ang nakapaloob sa talumpati ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima, nang ipinagmalaki niyang ieendorso ng DoJ sa Kongreso ang bagong bersiyon ng Cybercrime Law o RA 10175.  Read More »

P1.3M ayuda sa pamilya Hung

Matatanggap pa rin ng naulilang pamilya ng mangingisdang Taiwanese na napaslang kamakailan sa Balintang Channel ang tulong pinansiyal na P1.3 million mula sa pribadong sektor sa Pilipinas anuman ang resulta ng parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) at awtoridad ng Taiwan.  Read More »

Pagbisita ni Pope Francis sa 2016, gagawing posible

Ni Raymund F. Antonio Darating nga ba si Pope Francis sa Pilipinas? Posible itong mangyari sa 2016. Nagbigay ng mga pahiwating si Archbishop Jose Palma noong Huwebes na maaaring magkaroon ng papal visit si Pope Francis kasunod ng hiling ng Vatican na ma-reschedule ang 51st International Eucharistic Congress sa mas maagang petsa.  Read More »

Suspensiyon sa ‘Willing Willie,’ pinagtibay ng CA

Dahil sa pagpapasayaw sa isang anim na taong gulang na lalaki ng sayaw na ala-macho dancer, pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang ipinataw na suspensyon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa TV5 show na “Willing Willie.”  Read More »

Ai Ai, humiling ng bodyguard

Aminado ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na humiling ang komedyanteng si Ai Ai De las Alas ng security detail bunsod ng kanyang kontrobersiyal na pakikipaghiwalay sa kanyang asawa na si Jed Salang.  Read More »