Home » ‘WANAKOSEY

Kaliweteng puso

(Usapang kaliwa) “Hiniwalayan na ni misis ang kanyang mister dahil ang lalaki ay nagtataglay ng kaliweteng puso.” KAHULUGAN: Hindi matapat sa relasyon. Nakikiapid. Sumasaliwa. Taksil sa sumpaan. Incoming search terms:epekto ng pagkaing kalye sa kalusuganpamuhatan of newspaper tagalogibig sabihin ng kukurikapupagbuwag ng mga tabloid dahil sa batas militarpagkaing kalye sa kalusugan Read More »

Maka-kaliwa

(Usapang kaliwa) “Binuwag ng mga pulis ang rally ng mga manggagawa dahil pinaniniwalaang udyok lamang ang pagkilos ng mga maka-kaliwang puwersa.” Incoming search terms:maka-kaliwamakakaliwa at kanan politics Read More »

Carga silya

(Usapang kaliwa) “Mamang driver, ikarga silya mo nga muna itong taxi kasi may dadaanan lang ako d’yan sa building sa kaliwa.” KAHULUGAN: Instruksiyon sa mamang tsuper na papara sa kaliwa ang pasahero.  Read More »

Mabuting kamay

(Usapang kamay) “Makikipanuluyan ang aking bunso sa aking kapatid habang nag-aaral sa Maynila upang malagay siya sa mabuting kamay.” KAHULUGAN: Paglagay sa magandang sitwasyon, ligtas na katayuan at kapiliing ang mga taong may mabuting kalooban. Incoming search terms:kahulugan ng nasa mga kamay Read More »

Mahulog sa kamay ng batas

(Usapang kamay) “Nahulog sa kamay ng batas ang wanted na kriminal matapos ang maraming taon ng pagtatago.” KAHULUGAN: Madakip. PAMUHATAN: Kahit sa idiomang Ingles, tinutukoy ang praseng falling into the hands of the law bilang pahiwatig sa isang pinaghahanap ng batas. Incoming search terms:ano ang ibig sabihin ng mapasakamayano ang kahulugan ng madakipbatas militar kahulugan ng nceekamay... 

Hugas kamay

(Usapang kamay) “Naghugas ng kamay si Mayor dahil itinuro niya ang husgado na may kagagawan sa pagbuwag sa mga bahay ng mga squatter.” KAHULUGAN: Pag-iwas sa sisi o pananagutan dahilan upang ibaling sa iba ang pasiya. Incoming search terms:ano ang hugas kamay?ano ang sinasabi sa bibliya tungkol sa pag hugas ng kamayhugas kamay haringhugas-kamay: ibig sabihinkahulugan ng pag hugas... 

Sangdamakmak

(Usapang kamay) “Sangdamakmak na bobo ang mga pulis dahil nakawala pa ang magnanakaw kahit nakorner na.” KAHULUGAN: Sangkaterba. Sangkatutak. Multitude. Incoming search terms:kahulugan ng sangkatutakhalimbawa pamuhatan of newspaper tagalogibang salita ng tipakibang salita para sa kotong Read More »

Banil, barnakol, iskabru at kukurikapu

(Usapang balat) “Bantulot na magyaya si Gerry ng date dahil mayroon siyang hindi matanggal-tanggal na banil bukod pa sa kuwintas ng barnakol sa leeg. Ang hindi niya alam, si Ruth ay may taglay na iskabru at kukurikapu.” KAHULUGAN: Marka ng libag sa katawan. PAMUHATAN: Ang banil ay libag na ‘tila permanente na ang pagkakadikit sa balat na naipon, nagmarka at duming mahirap kuskusin. Incoming... 

Darkhorse

(Usapang balat) “Tinalo ni Rod, na isang darkhorse, ang mayaman at maimpluwensiyang congressman upang makopo ang posisyon sa pagka-alkalde.” KAHULUGAN: Tao o koponan sa larangan ng sports na hindi inaasahang makatatalo at makasisilat ng panalo laban sa isang magaling na kalaban. PAMUHATAN: Nagsimula sa mga kanluraning bansa na ang panghuhusga sa kapwa, partikular sa kalaban sa sports,... 

Skin rashes

(Usapang balat) “Hindi hadhad ‘to, noh! Skin rashes lang kaya ito.” KAHULUGAN: Bungang araw. Hadhad PAMUHATAN: Ang skin rashes ay bahagi ng Pinoy euphemism bilang terminong mas katanggap-tanggap kaysa brutal na mga katagang bungang-araw, hadhad o kaya’y kurikong. Incoming search terms:kutis galislabanos for alipungascabies scaryupemismo blog Read More »