Home » MAGKASUKAT

Huling Labas

NAIISIP ni Andrea ang mga naunang kasawian niya sa pag-ibig. Hindi ba ang mga iyon ay hula at horoscope din ang naging dahilan kaya siya sumagot? O, e, ano ang nangyari? Hindi ba kasawian din sa dakong huli? “Sabi ng manghuhula, hindi raw love at first sight ang mangyayari sa babaeng para sa akin.” Si Arman uli ang nagsasalita. “Away at first sight daw. Eksakto, di ba? Pero... 

Ika-91 labas

NAGPATULOY pa ang pag-uusap nina Andrea at Arman. Kahit pa untul-untol at pahintu-hinto. Kataka-takang hindi iyon kinainipan ni Andrea. At kung tama siya sa kanyang hinala, ganoon din ang nararamdaman niya kay Arman. “May gusto akong itanong sa ‘yo, Andrea.” Pagkaraan ng medyo matagal na katahimikan, nasabi ni Arman. :”Kaya lang, nakakahiya yata. Kalalaki kong tao…” Hindi... 

Ika-90 labas

NAGPALIWANAG si Andrea. “Nabigla lang siguro ako. Sorry ha!” “Pareho lang naman tayo, Andrea. Nakapagsalita rin ako ng masama. Ewan ko, medyo yata mainit ang ulo ko. Hindi ko naman gawaing magsalita ng masama lalo’t sa isang magandang babae.” “Bolero! Paano mo naman nasigurong maganda ako, madilim noon.” Pero aywan, parang masarap sa pakiramdam ang pambobola ng loko!... 

Ika-89 labas

NAGTAGAL pa ang pag-uusap ng magkaibigang Andrea at Cynthia. Kung anu-ano lang. Kung minsan, seryoso. Kung minsan, harutan. Noon ay araw ng Linggo. Walang trabaho sa bukid. Alam ni Andrea, hindi siya aalalahanin sa kanila. Tiyak na alam ng mga kasambahay niya na naroon lang siya kina Cynthia. Wala naman talaga siyang pupuntahan kundi sa bahay lang ng kaibigan. Nalibang talaga sila... 

Ika-88 labas

ANG DAMI pang sumunod na palpak na horoscope si Andrea. Huwag ka munang sasama sa boyfriend mo, pa-isipan mo ito. Eh, sino naman kayang boyfriend ang sasamahan niya ay naghahanap pa nga siya at wala pa na siyang nagugustuhan man lamang? Baguhin mo ang pagka-palaaway mo. Baka iyan ang ikapahamak mo. Ano ba naman itong hula sa kanya at hindi alam na wala talaga siyang hilig sa away? ... 

Ika-87 labas

PATULOY na ginagambala ng lalaking iyon ang isipan ni Andrea. Sana’y nagkakilala sila nang maayos. Sana’y nagkaroon siya ng pagkakataong mahanap sa lalaking iyon ang mga palatandaang sinasabi ng manghuhula. Nakatakda nga kaya siyang mabigo? Saan nga niya hahanapin ngayon ang lalaking iyon? Ni hindi niya mabistahan ang hitsura ng kotse. Lalo namang hindi niya nakuha ang plate... 

Ika-86 labas

HINDI na kumibo si Andrea. Oo, nasasaktan pa rin siya sa pang-aalipusta ni Cynthia sa paniwala niya sa horoscope pero hahayaan na lang niya. Ang totoo naman, gusto lang ng kaibigan niyang tulungan siya. Alam kasi nito, pag naiisip niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa horoscope niya, nasasaktan lang siya. Saka naisip ni Andrea ang engkuwentro niya sa lalaking iyong noong nagdaang... 

Ika-85 labas

LUMALAKAD ang mga sandali, lalong nagiging malikot ang imahinasyon ni Arman. Alanganin na naman siya kung totoo ngang babae o supernatural ang babaeng iyon. Baka diwata o engkantada. Di ba magaganda naman talaga ang mga supernatural, a? Kung hindi man maganda sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nag-aanyong kaakit-akit at saka nagpapakita sa mortal o karaniwang nilalang na may... 

Ika-84 labas

HINDI man ginusto ni Arman pero huli na. Alam niya, totohanang napaliguan niya ang babae. Sigurado siyang marumi ang tubig na iyon. Nang marinig niya ang katakut-takot na pagmumura ng babae, saka niya naisip na hindi iyon multo Sa marami na niyang nabasang super-stories, wala pa sing natandaang supernatural na nagmura ng ganoon. Ipinasiya niyang urungan ang babae. Hihingi siya ang... 

Ika-83 labas

MEDYO maaga pa pala, naisip ni Arman. Pasado alas otso pa lang naman kasi sa wall clock ng kainan. Sa ganoong oras, marami pang parokyano ang food chain. Isang unipormadong pulis ang naka-share niya sa table. Natukso siyang magtanong . “Ano ho kayang lugar ‘yong pinanggalingan ko?” Sinabi niya sa pulis na may hahanapin sana siyang kamag-anak pero hindi niya nakita. Naligaw...