Home » Bangungot

(Ika-185 labas)

PAGKAGISING ni Fatima, pinatawag ng mga doktor ang NBI. Pumasok sa silid sina Special Agent Franco Zaragoza at Trixie Berganio. Gamit ang straw, umiinom si Fatima ng orange juice, nakakabit pa rin ang isang dextrose sa braso niya. Nagpakilala ang dalawa at pagkatapos ng tawanan tungkol sa mga natanggap niyang regalo, nagtanong ni Trixie. “So, Fatima, ano ba ang nangyari? Paano ka... 

(Ika-184 labas)

MATAPOS kumain ng pizza at uminom ng orange juice, natulog si Fatima sa isang silid ng ospital. Sinabi ng mga doktor sa mga reporter na sobra ang dinanas na exposure sa hangin at araw ng bata, nagdusa sa dehydration, sunburn, may dislocation ng buto sa balikat, namamagang tendons, ligaments at may post-traumatic stress. “Ngunit hahangaan mo rin ang bata dahil sa kabila ng kanyang exposure,... 

(Ika-183 labas)

PAKIRAMDAM ni Rosario, para siyang tumatakbo sa ilalim ng tubig. Narating niya ang gilid ng bangin. Nakita niyang hindi pala nahulog nang tuluyan si Isayas Hontiveros – na bitbit si Fatima – sa malalim na bangin. Tumalon pala ito sa isa pang malaking adobe. Pigil ang hininga ni Rosario nang makita niyang malalim na bangin na ang kasunod ng malaking adobe. Hinawakan ni Hontiveros... 

(Ika-182 labas)

NAGWAWALA na si Rosario sa back passenger’s seat ng Biyudo. Sinisipa niya ang bintana; hinahatak, binabasag, pinupunit ang kung anong mahawakan. Malakas ang kanyang pag-iyak. “Don’t you understand?” sabi ni Rosario kay Rey Loyzaga, piloto ng helicopter. “Papatayin niya ang anak ko! Please lang, ibaba mo kami! For God’s sake!” Habang nakasuspinde ang kanyang helicopter... 

(Ika-181 labas)

DAHAN-DAHANG pinipihit ni Gilda Sevilla – miyembro ng Search-and-Rescue Team – ang focus wheel ng kanyang largavista. Ina-adjust naman ni Elvis Fontanilla – photo-journalist ng DiaDiario – ang focus ng telephoto lens ng kanyang Canon digital camera. Patuloy na tumatanggap ng alerto ang radyo ni Sevilla, kinukumpirma na si Isayas Hontiveros nga ang presong nakatakas... 

(Ika-180 labas)

MATULIN ng Bell helicopter ng AFP na kinalululanan nina NBI Special Agent Frank Zaragoza at Trixie Berganio. Ayon sa piloto nito, maaari nilang abutan ang ‘Biyudo’ – ang helicopter ni Rey Loyzaga. Patungo ang Biyudo sa labas ng Sector 23 kung saan naiulat na nakita si Fatima. Kinapa ni Zaragoza ang kanyang baril na nasa holster nito habang nilalabanan niya ang kanyang pangamba.... 

(Ika-179 labas)

NAPANSIN ni Special Agent Trixie Berganio ang dalawang NBI agent na nakayuko na patungo sa handa nang lumipad na helicopter na may pangalang Biyudo. Napukaw ang kanyang atensiyon nang patungo siya kay Atty. David Cordero na ini-interview ng mga reporter. Hindi mapakali si Trixie sa ikinikilos ng dalawang NBI agent na kapwa naka-baseball cap. Nagpasintabi si Trixie sa grupo at pagkatapos,... 

(Ika-178 labas)

MINAMASDAN ni Fatima ang lalaking naka-blue­ang kanyang tagapagligtas. Hindi siya nananaginip. Tunay ang asong-gubat. Maligamgam pa ang dugo nito sa kanyang T-shirt. Nakakapit sa sa kanyang damit ang amoy ng halimaw. Hindi nga siya nananaginip. Buhay kasi siya. Napaluha si Fatima sa tuwa. “Inumin mo ito.“ Iniabot ng lalaki ang isang canteen (lalagyan ng tubig ng militar). Nasa lilim...