Home » August

Ika-70 labas

NAUPO muli si Juancho. At nagpatuloy… “Magkatabi nga tayo gabi-gabi sa kama, ngunit maingat ka na huwag ako masagi, kahit accidentally. Hindi ako mapakali at magdamag na gising kung kaya naisip ko na maingat kang huwag magdikit ang ating mga balat.” “Naghalikan tayo bago matulog,” sagot ni August, hindi makatingin kay Juancho. “Hinalikan kita, hindi ka humalik sa akin. At... 

Ika-69 labas

NANAHIMIK si August, tiningnan ang mahinhing paglutang ng usok ng kanyang kape. Kung ano man ang naalala niya sa naging aksidente ni Joel, totohanang nabagabag siya. “Huli na ang lahat upang may magawa pa ako. Kasi nag–” Huminto siya sa pagsasalita, inisip na baka marami na ang kanyang nasabi. “Kasi ano?” tanong ni Juancho, nakatitig sa kanya. “W-wala.” “Kasi ano?”... 

Ika-68 labas

KUMUHA pa ng kape si August at pinuno ang kanyang tasa. Pinuno rin niya ang tasa ni Juancho. “Naniniwala akong mahusay akong lawyer. More than average. Kung bibigyan ng grade ang aking effort, I’m sure mataas iyon. Ang mga taong nag-hire sa akin, akala nila nakikipagsapalaran sila dahil babae ako. Pero nagulat ko sila dahil I have a lot to prove. Pero, siyempre, naturally,... 

Ika-67 labas

ANG isa pang dahilan kung bakit hindi magawang tumakas ni August, mahal niya ang bahay ng kanyang Lola Filomena. Dito na siya halos lumaki simula pa nang maulila siya sa mga magulang. “Promise, hindi kita iiwan sa condition mong iyan,” sabi ni August kay Juncho habang kumakain sila ng almusal. “Ibig bang sabihin nito, kapag okay na ako, tatakas ka na?” “Don’t put words into... 

Ika-66 labas

“ANG bango ng coffee.” Masyadong nakababad ang utak ni August sa pagbuhay ng mga alaala kung kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Juancho sa kusina. Sa tinig ni Juancho, napalingon si August. Nakasaklay pa rin ang lalaki, nakadamit pambahay na, ngunit hindi pa nag-aahit. Mukha naman itong nakapahinga. Nagbalik na rin ang kulay sa mukha at naglaho na ang maitim na pasa sa... 

Ika-65 labas

KINILALA ng babaeng kausap ni August ang nakaberdeng babae na nakasandal sa kotse. “Ah, iyan? Siya si Mrs. Limtuaco. Mister naman niya ang nasa loob ng kotse. Hindi sila regular na nagsisimba.” Hindi interesado si August sa dahilan kung bakit hindi nagsisimba ang mag-asawang Limtuaco. Kailangan lamang niyang malaman kung kakilala niya ang babae, na hindi naman. Ngunit halatang... 

Ika-64 labas

MABAIT naman si Father Boy Wenceslao at napaka-gentleman sa kanyang mga parokyano. Huwag lamang siyang tatayo sa pulpito. Doon, mistulang nag-iibang-anyo siya mula mabait na gentleman hanggang mapamintas at mapagbatikos na tagapagsalita sa kilos-protesta. Siya ang tipong maghahagis ng batong nag-aapoy at magsasaboy ng kumukulong asido sa mga taong hindi niya gusto ang pag-uugali. Ngunit... 

Ika-63 labas

HINAWAKAN ni Rodney ang kamay ni August at saka isinama sa nakabiting mga bangkay ng baboy-ramo. “Dumarating ang mga iyan dito nang patay na, usually by a bullet through the head. Sasaksakin ang lalamunan at hinahayaang tumulo ang dugo. At pagkatapos, ilulublob sa kumukulong tubig at inaahitan. Gumugugol ng oras ang proseso kaya we pay people to do it – mga taga-rito mostly.... 

Ika-62 labas

MAAGANG dumating si Don Arnulfo sa bahay nina August at Rodney. Dala nito ang kanyang pick-up truck. Sa sobrang lamig ng Sabado nang gabi na iyon, lumabas ng bahay si August suot ang makapal na jacket at naka-bonnet. Kasunod niya si Rodney na naka-jacket din. Sa kanilang paglalakad patungo sa pick-up truck, bumubuga ang bibig nila ng animo’y usok dahil sa lamig. Umakbay sa kanya... 

Ika-61 labas

NAKATITIG pa rin ang mag-amang Montecillo kay August nang huminto siya sandali sa kanyang pagkukuwento tungkol sa karanasan niya sa Braganza Law Office. Ang kuwento ay tungkol sa isang inang may STD. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni August, naging malungkot, at nagpatuloy… “Kung may lakas lang ako ng loob noon, nag-resign na agad ako nang sabihin sa aking huwag ko nang pag-aksayahan...