Home » Pananaw » ASEAN INTEGRATION SA VISAYAS FORUM

ASEAN INTEGRATION SA VISAYAS FORUM

Idaros ang unang Visayan Forum hinggil sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), lalo na sa pagtatatag ng Asian Economic Community (AEC) sa susunod na taon (Peb. 28,2015) sa Kalibo, Aklan. Dadalo sa naturang pagtitipon sina Trade Undersecretary at Board of Investments (BOI) managing head Adrian Cristobal Jr. , Louie T. Arriola, pangulo ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) at Asian Times editor; kasama sina Congressman Teodoro T. Haresco, Aklan Gov. Joeben T. Miraflores, local business and industry leaders, municipal officials, educators, students, at iba pang kinatawan ng iba’t ibang sektor sa Visayas, partikular na sa Aklan at Boracay Island.

Ang makasaysayang tagpong ito ay inisponsor ng Northwestern Visayan Colleges (NVC), ang nangungunang paaralan sa Visayas na magdiriwang ng kanilang ika-66 anibersaryo ngayon. Ang NVC ay pinamumunuan ni Atty. Allen Salas Quimpo bilang pangulo. Si Quimpo, na dating Kalibo mayor ng kongresista sa tatlong termino para sa nag-iisang distrito ng Aklan na nagpahintulot sa pagtatatag ng Aklan Sate University (ASU), ang mangunguna sa pag-uulat sa mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng ASEAN Integration 2015. Siya rin ng chairman ng advisory council ng Kapihan at ng media forum.

Si Cristobal naman ang inaasahang hihimok sa mga Bisaya, lalo na ang mga Aklanon at karatig na mga komunidad sa rehiyon habang si Arriola ang magpapaliwanag ng kahalagahan ng media sa malaking pangangailangang ipabatid sa taumbayan ang tungkol sa ASEAN Integration 2015, ang kinalaman nito sa ating ekonomiya, edukasyon at kahusayan.

Sa pagtalima sa Master Plan ng ASEAN Connectivity para sa “One Vision, One Identity, One Community,” kailangang mabatid ng ating mga kababayan ang mga proseso ng ASEAN Integration 2015 sapagkat sila ang makikinabang dito kalaunan.

Noong pang 1967 nang magtipun-tipon ang mga leader ng ASEAN sa Bangkok upang lumikha ng isang organisasyon na makatutulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan, kalayaan, at kasaganahan para sa ating mga kababayan.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese