Home » Editoryal » EDSA PEOPLE POWER 28TH ANNIVERSARY

EDSA PEOPLE POWER 28TH ANNIVERSARY

 

balita editorial feb252014

Ipinagdiriwang ngayon ng buong bansa ang ika-28 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power noong Pebrero 25, 2014 sa temang “Kapit-Bisig Tungo sa Pagbangon,” na isang panawagan sa pagkilos ng lahat ng mamamayang Pilipino na maghawak-kamay sa pagtulong sa kanilang mga kababayan at bansa sa pagsisikap na makabangaon mula sa hagupit ng mga paghamon noong nakaraang taon.

Sa bisa ng Proclamation No. 655, ang Pebrero 25, 2014 ay idinekralang isang nationwide observance at school holiday sa layuning gunitain ang pagtatapos ng maluwalhating apat na araw (Pebrero 22-25, 1986) sa kasaysayan ng Pilipinoas nang buong-tapang na tinanggap ng taumbayan ang isang paghamon na nagresulta sa matagumpay na pagbabago sa pulitika, lipunan at ekonomiya. Ang sentro ng selebrasyon ay ang Epifanio De los Santos Avenue (EDSA) kung saan naganap ang makasaysayang tagpo. Dito itinayo ang EDSA Monument at ang Lady of Peace Shrine – mga angkop na testimonya sa matibay na diwang Pilipino.

Pangungunanan ng EDSA People Power Commission ang mga aktibidad na kinabibilangan ng isang film festival, concert, photo exhibit, at mga panayam sa mga pangunahing personalidad ng EDSA. Isang “Salubungan” workshop ang idinaos noong Enero 16-18, 2014 ng ilang grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang paigtingin ang diwang Pilipino ng volunterismo at pag-ibig sa bayan. Ang “Salubungan” na taun-taong isinasadula bilang bahagi ng selebrasyon, ay ang paglipat ng mga sundalo mula Camp Aguinaldo na umanib sa mga kapwa sundalo sa katabing Camp Crame upang pag-isahin ang kanilang puwersa sa ikalawang araw ng pag-aklas, isang pagkilos na nasaksihan ng libu-libong mamamayang nangagtipon sa EDSA upang protektahan ang mga tropa.

Ang “Mga Bayani ng EDSA”, ang mga kalahok sa makasaysayang apat na araw, at di-mabilang na iba pang Pilipino na naglaan ng panahon, nakiisa sa mga rally, namahagi ng pagkain, nag-alok ng mga bulaklak, at humimok sa iba pang mga sundalo na umanib sa kanilang panig, ay ginugunita ngayon sa selebrasyon.

Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa EDSA People Power Commission sa pangunguna ni Chairman Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., at Vice Chairman Jose T. Pardo, iba pang mga Commissioner at Opisyial sa kanilang pagsisikap na panatilihing buhay ang diwa at ang kahalagahan sa kasaysayan ng EDSA People Power ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese