Home » Pananaw » ANG EPEKTO NG ASEAN ECONOMIC INTEGRATION

ANG EPEKTO NG ASEAN ECONOMIC INTEGRATION

Kakaunti lang ang may nalalaman, lalo na yaong nasa mga lalawigan, tungkol sa ASEAN Economic Integration 2015. Ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) ay magsasanib-puwersa sa susunod na taon. Ito ay isang ASEAN regional effort na may layuning paigtingin ang pagkilos nito sa ekonomiya sa pandaigdigang pamilihan. Para sa Pilipinas, magiging epekto ng ASEAN Integration ang mas mahusay na produkto, kaunlaran sa industriya, pinaangat na sistema sa edukasyon, at ating kahusayan.

Sa ngayon, ang Department of Trade and Industry, sa pammagitan ng investments promotion arm nito na Board of Investment (BOI) ay nagdaos ng isang forum kamakailan sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) upang talakayin ang K-to-12 Basic Education Program. Layunin ng forum ang bigyan ng update ng publiko at iba’t ibang stakeholders hinggil sa Industry Development Road maps.

Karaniwang suliranin ang human resource development sa isinumiteng industry road maps sa BOI, ayon kay Adrian S. Cristobal, Jr., Trade Undersecretary for Industry Development and Trade Policy. Siya rin ang BOI managing head.

Mayroong pangangailangan sa mas malawak na pagsisikap ina ipabatid sa ating mga kababayan tungkol sa Asean Economic Integration. Ngunit waring ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) lamang ang nangunguna sa kinakailangang kampanya sa impormasyon. Sa Visayas and Mindanao, ang pangangailangang ipabatid sa ating mga kababayan tungkol sa pagbabago na mangyayari sa susunod na taon ay hindi pa nangyayari.

Buti na lang, ang Northwestern Visayan Colleges (NVC), sa pangunguna ni ng kanilang president, Atty. Allen Salas Quimpo, ay pinasimulan ang isang kilusan na i-update ang mga guro, mga mag-aaral at mahahalagang sektor ng Aklan. Si Quimpo, na naglingkod ng tatlong termino bilang Aklan Congressman, ay dating chairman ng House Committee on Education. Nagtakda siya ng isang ASEAN Economic Integration Forum sa Pebrero 28, sa at NVC sa Kalibo, Aklan kasama sina Louie T. Arriola, president, Publishers Association of the Philippines, Inc.; Usec. Cristobal, at DFA Assistant Secretary Teresita VG. Bersana ng DFA ASEAN Affairs, bilang special guests na mga tagapagsalita sa forum.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese