Home » Showbiz atbp. » Vice Ganda at Karylle, nag-iiwasan dahil sa tampuhan

Vice Ganda at Karylle, nag-iiwasan dahil sa tampuhan

KARYLLE and Vice Ganda

MULA sa isang staff ng It’s Showtime ay nalaman naming may tampuhan daw ngayon ang dalawa sa mga host ng programa na sina Vice Ganda at Karylle.

Ayun pa sa kausap namin, ilang araw na raw na hindi nag-iimikan ang dalawa. Kahit magkasama sa naturang show ay iniiwasan daw ni Karylle si Vice at ganu’n din naman ang huli sa una.

“Pansinin n’yo, laging magkalayo ang dalawa sa live show nila. Kung dati ay nagtatapikan pa at nagkakabiruan, ngayon, eh, kulang na lang mag-ismiran sila. Hindi nga lang halata ng mga televiewers,” sey pa ng source namin.

Kuwento pa rin ng source namin na kahit sa backstage na ilang dipa lang ang layo ng dressing rooms nina Vice at Karylle ay hindi nagkikibuan ang dalawa. Iniiwasan din daw ng dalawa na magkasalubong sa hallway ng studio, huh!

Dagdag-kuwento pa ng source namin, matagal na raw na may tampo si Karylle kay Vice pero pilit na nagpapaka-sweet ang una sa komedyante at umaasa raw na mapapalapit din sa kanya ang box office star.

Pero lately ay may nakarating daw kay Karylle na komento mula kay Vice. Siyempre pa, ikinasama ito ng loob ng anak ni Zsa Zsa Padilla.

Well, malapit na rin naman yatang magpaalam sa It’s Showtime si Karylle dahil pinaghahandaan na ng TV host-actress ang kasal niya kay Yael Yuzon this coming March.—Jimi Escala

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Angelique(K3V)

    araw lang? c’mon hindi ako staff ng IST pero bilang na bilang ko kung ilang linggo na silang hindi nagpapansinan..besides, si V ang hindi pumapansin kay K..pwe sa source nyo!

  • rosalyn vitales

    Ngek. Baliktad Naman Ata. Si Vice Nga HIndi Pumapansin KAy Ate’Karylle Ei. Tsssk
    -_-



















Translate »