Home » Sports » 2014 Manila Bay Seasports Festival registration, magsisimula na bukas

2014 Manila Bay Seasports Festival registration, magsisimula na bukas

Magsisimula bukas ang rehistrasyon sa mga lalahok sa 2014 Manila Bay Seasports Festival sa Manila Broadcasting Company.

Tampok sa proyektong ito ng MBC at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang pinaghalong koponan ng mga lalake at babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi sa kapuluan.

Gaganapin ang pinaka-aabangang festival sa marso 8-9.

Mahigit sa P.5M ang nakalaang premyo sa mga karera, kung saan ay matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga tinaguriang atletang dagat.

Tatanggapin sa bawat koponan ang may tig-32 kalahok kung saan ay hahataw sila sa stock at formula races na tinaguriang “bancathon.”

Sa mga interesadong sumali, mangyaring tawagan si Lida Aquino sa numerong 09997057910. First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok.

Ang 2014 Manila Bay Seasports Festival ay suportado ng Calrex, Eveready, Ginebra San Miguel, Republic Chemicals, Filinvest, M. Lhuillier, Columbia, International Food Products Inc., Manila Ocean Park at Cord Marine Epoxy.

comments
Translate »


















Translate »