Home » Showbiz atbp. » ‘Di ako cradle snatcher—Sunshine Cruz

‘Di ako cradle snatcher—Sunshine Cruz

NAKAKITA na si Sunshine Cruz ng bahay na malipatan nilang mag-iina sa Parañaque. Kahit sa malayo pa ang kanyang takdang paglipat, kasama ang tatlong anak, paunti-unti nang bumibili si Sunshine mga gamit.

Sunshine Cruz“Nag-canvass na kami ng mga beds and furnitures, nakakagulat ang mga presyo. Grabe ang mahal, pero alam ko namang hindi kami pababayaan ng Itaas. God provides naman. Slowly but surely,” banggit ni Shine.

Hihintayin lang ni Sunshine ang last day of examinations ng mga anak niya para sa school year na ito at saka sila lilipat sa Parañaque. Balak din niyang ihanap ang mga bagets ng bagong eskuwelahan na mapapasukan sa
malapit lang sa bagong bahay na titirahan nila.

Samantala, napahalakhak nang husto si Sunshine nang banggitin namin sa kanya na tiyak na isa sa iimbitahan niyang dumalaw sa bagong bahay niya ang natsitsismis sa kanyang si Ejay Falcon.

“Grabe ang tsismis na ‘yan. ‘Di naman ako cradle snatcher at kilala nýo naman ako, Kuya Jimi. Hindi ako gano’n. I mean, ang bata-bata pa ni Ejay, bakit siya?”natatawa pa ring banggit niya.

Parang tunay na anak na nga raw ang turing niya kay Ejay nu’ng gawin nila ang Dugong Buhay. Hindi naman daw porke’t madalas silang nagkakausap ng actor, at nagkakabiruan, ay kailangang matsismis agad sila.

So, Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

“Naku, kulang na lang sa pag-aasikaso sa mga anak ko at pati na siyempre ang career ko, eh, hindi ko na muna kailangan ang mga ‘yan,” sagot ng lalo pang gumagandang si Shine. –Jimi Escala

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese