Home » Billiards » Orcollo at Corteza, nag-kampeon

Orcollo at Corteza, nag-kampeon

Ni Angie Oredo

Ipinamalas muli nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ang husay ng mga Pilipino matapos nitong ibalik sa Pilipinas ang titulo bilang mga kampeon sa World Cup of Pool sa pagbigo sa pares nina Neils Feijen at Nick Van den Berg ng Netherlands sa race-to-10 final sa York Hall sa Bethnal Green, London, England Lunes ng umaga.

Gayunman, kinailangan ng World No. 3 na si Corteza at World No. 4 na si Orcollo na makipagtagisan ng husay at tatag sa mahigpitan na labanan bago nito nagawang agawin ang krusyal na huling dalawang rack tungo sa paghugot ng 10-8 panalo.

Una munang binigo nina Orcollo and Corteza sa semifinals ang pares mula Chinese-Taipei nina Chang Jung-lin at Ko Pin-yi, 9-7, upang umusad sa championship match.

Hindi lamang naibangon nina Orcollo at Corteza ang prestihiyo ng bansa kundi naibaon din nito sa limot ang masaklap na maagang pagkabigo sa unang round pa lamang noong 2012. Ito ang ikalawang sunod na taon na nagtambal sina Corteza
at Orcollo na agad nagresulta sa panalo.

Sila ang ikatlong pares ng mga Pilipino na nagtagumpay sa kada taon na single-elimination tournament para sa doubles teams sa 9-Ball competition kasunod ng maalamat na sina Efren `Bata’ Reyes at Francisco `Django’ Bustamante na nagwagi sa unang edisyon ng torneo noong 2006 at naulit noong 2009.

Ngayong taon, inilampaso muna nina Orcollo at Corteza ang mga kalaban mula Croatia, Singapore, Hungary, at Chinese-Taipei bago ibinuhos ang lahat ng kanilang lakas sa final round.

“Representing my country is such a big honor for me and I’m very thankful and proud to have won the World Cup of Pool for the Philippines,” lahad ni Orcollo sa panayam ng www.matchroompool.com

Iniuwi ng mga Pilipino ang pinakamalaking premyo na US$60,000.

Incoming search terms:

comments


















Translate »