Home » Tourism » RIVER RAFTING sa Real, Quezon

RIVER RAFTING sa Real, Quezon

Sinulat ni DANNY J. ESTACIO
Mga larawan mula sa Quezon Provincial Tourism Office

BAGONG tuklas at pinagiibayo upang maipakilala para dayuhin ng mga lokal at dayuhang turista ang tinaguriang” new haven for river rafting” na matatagpuan sa Barangay Tanauan, Real sa Quezon Province.

Ang Barangay Tanuan ay nararating sa pamamagitan ng tatlong oras na biyahe sa sasakyan simula sa Lucena City at kung magmumula naman sa Manila ay aabutin lamang ng dalawa hanggang tatlong oras.

Bagamat hindi pa sikat o popular ang nasabing lugar, sinisikap ng mga dating kaingero at illegal loggers na ang malakas na agos sa ilog — na ipinapalagay nilang biyaya sa kanila — ay maging daan upang pagmulan ng kanilang pagkakakitaan kapalit ng kanilang iniwanang hanapbuhay na nakasisira sa kalikasan.

Dahil nakikita nila na may malakas at masidhing kampanya sa turismo ang pambansang pamahalaan, maging sa probinsya sa pamamagitan ng provincial tourism office, napagtanto nila na ang malakas na agos ng ilog sa kanilang lugar ay makakapagbigay sa kanila ng bagong kalungan ng pagkakakitaan.

Kaya minarapat nilang lumikha ng mga balsa na yari sa kawayan at gulong ng sasakyan bilang pangunahing instrumento na nababagay sa malakas na agos ng ilog.

Si Barangay Tanauan Chairman Ramil B. Resplandor na may masidhing hangarin na maipakilala ang kanilang bagong tuklas na tourist destination ay nakipagugnayan sa Provincial Tourism Office ng Quezon upang hingin ang tulong para mapalaganap ang River Rafting sa Real, Quezon.

“Reconciling with the kaingeros and illegal loggers, local officials implemented a guaranteed partnership with the local government unit to stop these people from marring the gift of nature and turned them back to legal and decent way of life as well,” pahayag ni Kapitan Resplandor.

Ang 37 kaingero at illegal loggers ay bumuo ng isang grupo upang maging giya at tagabalsa ng mga nagnanais maranasan ang river rafting. At upang makatiyak ng seguridad ay sumailalim sila sa mga pagsasanay na may kaugnayan sa kanilang pinasok na bagong larangan, at tinawag nila ang kanilang grupo na “balsaheros” .

Ang isang balsa ay nakakapaglulan ng limang pasahero, kabilang ang dalawang bangeros.

Lalakad ang mga turistang adventurers ng 30-60 minuto na nakakadagdag ng animo’y nakikipagsapalaran sa gubat para marating ang kinaroroonan ng ilog na doon naman ay nagaabang ang balsaheros. Bukod sa magandang ilog ay may maganda ring talon (waterfalls) na makikita sa nasabing lugar.

Ang bayan ng Real ay lumubog noong 2004 dahil sa flashfloods na ilang taon din nilang ininda. Nangyari iyon dahil na nga sa pagkakaingin at illegal logging, at iyon na rin ang nagmulat ng mga mata ng mga mamamayan kaya naisipan nila ang river rafting, ang nagbibigay sa ngayon ng panibagong hamon sa pamumuhay sa nasa bing barangay.

Ang mga opisyales ng barangay Tanauan sa pamumuno ni Chairman Resplandor ay buong lugod na tatanggap sa kanilang
mga bisita na nagnanais makita at makaranas ng river rafting sa kanilang lugar.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese