Home » Helmet » Metro Fastbet, inilunsad ng Metro Turf Club

Metro Fastbet, inilunsad ng Metro Turf Club

Inilunsad ng Metro Turf Club ang Metro Fastbet na magsisilbing kaginhawaan para sa mga mananaya na nahihirapang
pumusta sa karerang ginaganap sa Malvar, Batangas.

Ito ang pinakabagong sistema sa bansa kung saan ay puwedeng gamitin ng karerista ang kanilang gadgets na tuladng laptops, desktop computer, iPhone at Ipads.

Dapat ay laging bukas ang internet ng mga mananaya at nakatuon sa Metro Turf upang tuloy-tuloy na matunghayan ang mga karerang nagaganap doon.

Mabilis at safe pa ang Metro Fastbet at maiiwasan pa ang mahabang pila sa mga Off-Track Betting Stations (OTB).

Walang bayad ito kung saan ay kinailangan lamang nilang tumutok sa pamamagitan ng https:/fbm.mmtci.com at dito ay makakapaso na ang mga karerista upang makataya.

Kailangan lang ng mananaya na magdeposito ng hindi bababa sa P1,000 upang makapagsimula nang tumaya.

Isang verification code lang ang dapat gamitin ng mga karerista upang makataya.

***
Aarangkada na ang ikalimang yugto ng 2013 Philracom Imported-Local Challenge Series na gaganapin sa Metro Turf Club.

May walong nominado ang tangkang mag-aagawan sa top prize na P300,000 na kinabibilangan ng Juggling Act, Botbo, Close To Hallie, Little Ms. Hotshot, Crusis, Tritanic, Sliotar at Nefertiti.

Nakalaan dito ang distansiyang 2,000 meters.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »