Home » Balita » 4 DENR officials, ipinasususpinde

4 DENR officials, ipinasususpinde

Ipinasususpinde sa Office of the Ombudsman ang apat na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at isang abugado kaugnay ng pagpigil umano ng mga ito na na mailabas sa isang kumpanya ang mga scrap material ng Bataan Thermal Power Plant (BTPP) sa Limay, Bataan.

Kabilang sa pinapasuspindi sina Regional Director Lormelyn Claudio ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR Region 3; Provincial Environmental and Natural Resources Officer (PENRO)-Bataan Fred Sadueste; Bataan-ENRO Godofredo De Guzman; Vicente dela Cruz, (R.A. Implementor) ng EMB-Region 3; at Atty. Aurelio Angeles, Jr., provincial legal officer ng Bataan.,

Kinasuhan din si Mario Nieto, isang pribadong indibidwal, ng Atienza Culdesac, BF Resort Village, Talon 2, Las Pinas City.

Sa 17-pahinang complaint affidavit ni Rafaelito Lo, Jr., presidente at may-ari ng Uni-Wide Scrap Traders Corporation (USTC), bukod sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019, kinasuhan din ng falsification sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code; at Grave Misconduct, Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.

Ayon sa complainant, sila ang kinilalalang may-ari o claimant ng mga makinarya at equipment sa BTPP matapos idaan sa isubasta.

Binanggit sa reklamo na maaaring mapatutunayan ito ni executive labor arbiter Mariano Bactin ng National Labor Relations Commission (LNRC).

Umaapela rin aniya si Nieto sa usapin nang ideklara ito bilang “awardee/funder” sa site assessment plan ng BTPP.

Sa kabila ng kumpletong dokumento ng complainant, nabigo pa rin ang mga opisyal ng EMB na magpalabas ng environmental compliance certificate (ECC) upang maipatupad na sana ang clean-up at dismantling plan sa BTPP. – Rommel P. Tabbad

Incoming search terms: