Home » Balita » Giyera, pakay ng MNLF sa Zamboanga

Giyera, pakay ng MNLF sa Zamboanga

 

“Ito ay giyera para sa kasarinlan!” Ito ang naging pag-amin kahapon sa publiko, sa pamamagitan ng pambansang himpilan ng radyo, ng Moro National Liberation Front (MNLF)-Nur Misuari faction, na giyera at hindi peace caravan ang dahilan ng pagtungo nila sa Zamboanga City para sa hinihinging kasarinlan.

Pinangangambahan naman na lumawak pa ang labanan sa pagitan ng MNLF at tropa ng pamahalaan matapos maganap ang bakbakan sa Basilan, iniulat na may apat katao ang nasawi at 13 ang nasugatan sa huling engkuwentro na naganap kamakalawa.

Ito ang ibinunyag ni MNLF-Misuari faction spokesman Rev. Absalom Cerveza sa nasabing himpilan ng radyo.

Binigyang diin ni Cerveza na giyera at hindi peace caravan ang pakay ng Nur Misuari faction sa Zamboanga City upang makamit ang kanilang minimithing kasarinlan.

Matapos magdeklara ng kasarinlan si Misuari noong Agosto 12, dalawa ang naging tuntunin ng MNLF na dapat
nilang gawin—ang diplomasya at paglulunsad ng giyera.

Sa nangyaring pag-uusap, giyera ang napili nilang gawin at ito nga ang ginawa ng MNLF sa Zamboanga City.

“‘Yung impression na nagpunta sila roon para sa isang peace caravan, hindi totoo ‘yun. This is a war for independence!” ayon kay Cerveza.

Pumunta umano ang grupo sa Zamboanga City para itaas ang bandera ng grupo. Pinabulaanan din ni Cerveza na itinakwil ni Misuari si Kumander Habier Malik na nanguna sa pagkubkob sa apat na barangay sa Zamboanga City, at itinangging naghuhugas kamay ang kanilang founding chairman sa responsibilidad sa Zamboanga standoff.

Walang katotohanan umano na dumistansiya si Misuari sa Zamboanga City standoff. Sinabi ni Cerveza na may basbas ng kanilang chairman ang ginawa ni Malik at hindi lamang umano nagkaintindihan sina Misuari at Mayor Beng Climaco sa pag-uusap.

Iniwan umano ni Misuari ang desisyon kay Kumander Malik dahil napakalayo nito sa Zamboanga.

Hindi umano maglalakas-loob si Malik na giyerahin ang Zamboanga na walang basbas ni Misuari at kailanman ay hindi itinakwil ang nasabing kumander at hindi rin itinatanggi ang responsibilidad sa mga pangyayari.

Sinabi pa ni Cerveza na nasa gobyerno ang pagresponde at desisyon ngayon sa paninindigan ng MNLF sa hinihinging kasarinlan, at handa ang MNLF kung may panukala ang gobyerno sa inilatag nilang usapin.

PARI, PINALAYA
Samantala, pinalaya na ng MNLF ang paring Katoliko na si Fr. Michael Ufana, na limang araw nilang binihag.

Ayon kay Archdiocese of Zamboanga administrator Monsignor Crisologo Manongas, pinalaya si Ufana dakong 7:00 ng umaga kahapon.

Tinangay sa Bgy. Sta. Catalina, nasa kostudiya na ng lokal na pulisya sa Camp Battala sa Zamboanga City si Ufana ayon kay Manongas. – Ulat nina Fer Taboy at Mary Ann Santiago

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese