Home » Balita » Ekonomiya, lumago ng 7.5 porsiyento

Ekonomiya, lumago ng 7.5 porsiyento

Lumago nang apatna porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikaapat na sunod na quarter sa kabila ng pananamlay ng aktibidad sa merkado sa Asia.

Tumaas ng 7.5 porsiyento ang gross domestic product (GDP) sa ikalawang quarter ng taon, tumaas mula sa 6.3 porsiyento sa kaparehong panahon (Abril hanggang Hunyo) noong nakaraang taon.

Dahil dito, nasa 7.6 porsiyento na ang pagtaas ng GDP sa unang semester ng 2013, tumaas mula sa 6.4 porsiyento noong 2012, ayon sa National Statistical Coordination Board. – Deutsche Presse Agentur