Home » Showbiz atbp. » ‘The Voice Philippines’ Top 24, huhusgahan na ng publiko

‘The Voice Philippines’ Top 24, huhusgahan na ng publiko

Ni Ador Saluta

ISASALANG na simula ngayong gabi sa “Live Shows“ ang Top 24 artists mula sa apat na team ng The Voice of the Philippines at haharapin ang dalawang desisyon na magtatakda sa kanilang kapalaran ­ ang pagligtas ng coaches at ng publiko.

Bawat team ay may unang tatlong artists na magpe-perform ngayong gabi ng awiting parehong pinili nila at ng kanilang coach. Sasabak sina Thor Dulay, Cora de la Cruz, at Jessica Reynoso ng Team Apl; sina Radha, RJ de la Fuente, at Darryl Shy para sa Team Lea; Junji Arias, Morrisette Amon, at Eva de los Santos para sa Team Sarah; at Lee Grane, Myk Perez, at Talia Reyes para sa Team Bamboo.

Bago sa kasaysayan ng Philippine TV ang voting scheme para sa “Live Shows“ dahil maaari lamang bumoto ang publiko habang commercial breaks. Pagkatapos ng performance ng tatlong artists ng bawat team, saka lang bubuksan ang botohan at isasara naman pagkatapos ng isang commercial break.
Ilalantad ang resulta ng botohan ng lahat ng teams sa pagtatapos ng show.

Ang artist sa bawat team na makakatanggap ng pinakamataas na percentage ng votes ang unang maililigtas. Sa dalawang artists namang matitira ay mamimili ang coach ng isang artist na kanyang ililigtas at isang papauwiin na.

Kagabi naman, mas nakilala ang artists sa tinaguriang “Life Show“ tampok ang espesyal na performances at soundtrack ng kanilang buhay.

Abangan kung sino ang mangingibabaw at kung kaninong pangarap ang maagang mauudlot sa The Voice of the Philippines tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN.

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese