Home » Dagdag Balita » Limang trahedya ng Sulpicio Lines

Limang trahedya ng Sulpicio Lines

Panglima na sa malagim na trahedya sa Sulpicio Lines ang pagbangga ng cargo vessel nito Sulpicio Express 7 sa pampasaherong barko na 2Go sa Cebu, noong gabi ng Biyernes na ikinasawi ng 34 na pasahero.

Ayon sa report ni DOTC Secretary Jun Abaya, ang unang trahedya ng Sulpicio noong 1987 nang bumangga ang pag-aaring Doña Paz sa oil tanker na ikinamatay ng may 4,300 passahero. Oktubre 1988 naman nang lumubog ang Doña Marilyn sa karagatang ng Leyte sa gitna ng pananalasa ng bagyo na ikinasawi ng mahigit 250. Sa taong 1988 din lumubog ang Princess of the Orient na pag-aari rin ng nasabing kumpanya.

Matapos masupinde, nagpalit ng pangalan ang Sulpicio Lines ay naging Philippine Span Asia Carrier Corp. noong 2008. Lumubog ang pag-aari nitong MV Princess of the Stars na ikinamatay ng 50 katao ng Hunyo ng taong iyon. – Jun Fabon

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese