Home » Balita » ‘Maring’ lumakas pa, papalayo na ng PAR

‘Maring’ lumakas pa, papalayo na ng PAR

Napanatili ng Bagyong “Maring” ang lakas nito habang papalayo sa Batanes.

Inihayag ni weather forecaster Meno Mendoza ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang bumagal ang bagyo na huling namataan sa layong 32 kilometro ng Silangan ng Itbayat, Batanes.

Ayon kay Mendoza, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at inaasahang kikilos pa-Silangan sa bilis na 11 kilometro kada oras.

Pinapalakas aniya ni “Maring“ ang habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang parte ng Metro Manila.

Binanggit nito na kasalukuyang nakakaaapekto sa ating bansa ang hanging habagat.

Nagbabala ang PAGASA sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil na rin sa panganib ng malalaking alon. – Rommel P. Tabbad

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »