Home » Caritas » KILOS KONTRA PORK BARREL

KILOS KONTRA PORK BARREL

Panahon na mga kapanalig upang kumilos para sa tuluyan nang matanggal ang pork-barrel sa ating mga mambabatas! Ang mga political scandal at exposé ngayon sa maling paggamit ng pork barrel ng ating mga mambabatas ay hindi na balita. Hanggang kailan nga ba tayo magbubulag-bulagan? Hanggang kailan natin tatalikuran ang ating konsensiya? Kailangan nga ba talaga ng isang senador ang halagang 200 million pesos upang magpasa ng isang batas? Kailangan din nga ba ng isang kongresista ang 70 million pesos para sa proseso ng pagpapanukala at pag-aapruba ng isang batas?

Ngayong taon ay halos nasa 25 billion pesos ang mapupunta para sa pork barrel ng mga kongresista at senador. At sa susunod na taon, nakasaad ngayon sa proposed 2014 national budget na inaasahan na tataas pa ito sa 27 billion pesos o dalawang bilyong pagtaas. Ngunit sa laki ng halagang ito, magkano lamang ang napupunta para sa mga mamamayan?

Pamilyar nga tayong lahat sa pork barrel. Bagamat tungkulin ng ating mga mambabatas na gumawa ng mga panukalang batas para sa ikauunlad ng ating bayan, hindi pa rin natin maintindihan kung bakit sila binibigyan ng halos dalawang daang milyong pisong pork barrel funds para daw sa kanilang mga proyekto. Bagaman at maganda nga ang layunin ng ilan sa ating mga lider, kailangan nilang maintindihan na hindi tulong ang inaabot nila sa mga mahihirap. Kung nais nilang iahon sa kahirapan ang mga mahihirap, bakit hindi nila tanggalin ang pork barrel na it? Alam nating lahat na hindi lahat ng pondong ito ay napupunta para sa taumbayan, bagkus ay napupunta ito sa bulsa ng ilang mambabatas na gahaman sa pera at kapangyarihan.

Ang pork barrel ay tunay na sanhi ng matitinding katiwalian sa bansa. Kung seryoso si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang kampanya laban sa kahirapan at katiwalian, kailangan nang magkaroon ng matinding reporma sa pamumudmod ng pork-barrel sa mga mambabatas. Kailangan ng manindigan ang pamahalaan para sa pagtanggal sa pinakamalaking sanhi ng matinding korapsiyon sa bansa. Kailangan na ngang tuluyang ibasura at ibaon sa lupa ang pork-barrel ng ating mga mambabatas.

Incoming search terms:

comments


















Translate »