Home » Balita » Napoles, nasa bansa pa rin – NBI

Napoles, nasa bansa pa rin – NBI

 

Kumpiyansa ang National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa nakalalabas ng bansa ang umano’y utak ng kontrobersiyal na P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at kapatid nitong si Reynaldo Lim, alyas “Jojo.”

Subalit inamin ni NBI Director Nonnatus Ceasar Rojas na wala pa silang hawak na lead kung saan nagtatago si Napoles at kapatid nito.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 laban kay Napoles at kapatid nito at hindi binigyan na pagkakataon na makapagpiyansa ang mga ito kamakalawa ng hapon.

Agad namang bumuo ng apat na team ang NBI na tututok sa paghahanap sa magkapatid na Napoles.

Si Napoles at kapatid nito ay kinasuhan ng NBI ng illegal detention dahil sa pagdukot sa tinaguriang whistleblower sa multi-billion peso fund scandal na si Benhur Luy.

Una nang nagtungo ang NBI team sa mga lugar na posibleng pinagtataguan ni Napoles subalit bigo ang mga ito na matunton ang subject.

Kasabay nito ay nanawagan ang NBI sa publiko na sakaling may makuhang impormasyon sa kinaroroonan ni Napoles at kapatid nito ay agad na itawag sa numero (0929)2958888. – Beth Camia

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese