Home » Balita » Aquino allies protektado sa pork barrel issue – solon

Aquino allies protektado sa pork barrel issue – solon

Pinoproteksiyunan ba ng administrasyong Aquino ang mga kaalyado nito na isinasangkot sa eskandalo sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang “pork barrel”?

Ito ang naging katanungan ni Rep. Emil De Jesus ng Gabriela Women’s Party matapos niyang malaman na sinuspinde ng Sandiganbayan Second Division ang paghahain ng warrant of arrest laban kay dating Cebu Rep. Clavel Asas-Martinez, dating Bogo Mayor Celestino Martinez III, Ma. Cielo Martinez at apat na iba pa na nahaharap sa kasong paglulustay ng pondo sa maanomalyang paggamit ng PDAF nang ang una ay mambabatas.

Ani De Jesus, si Martinez ay isa sa 11 House prosecutor na nagpatalsik kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Bagamat sinuspinde ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga Martinez, iginiit naman ng party-list solon na mabilis ang paghahain ng warrant of arrest ng Sandiganbayan laban kay Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo na hindi kaalyado ni PNoy.

“If you’re in the opposition, you can be jailed, sued, or be the victim of cyber-bullying. But if you’re an (ally) of the ruling Liberal, you have an unusual protection from investigation,” pahayag ni De Jesus.

Inihayag ni De Jesus ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya sa P10 bilyong anomalya sa pork barrel kung saan ginamit umano ang ilang mambabatas ang mga huwad na non-government organization (NGO) sa pagpapatupad ng mga ghost project. – Ellson A. Quismorio

Incoming search terms:

comments


















Translate »