Home » Editoryal » ANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

ANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

 

Pinangungunahan ng Department of Education (DepEd) at ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang isang buwang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngyaong Agosto 2013, na pinatingkad ng Linggo ng Wika sa uanng linggo ng Agosto na nakatuong sa kahalahan ng Filipino bilang pambansang wika na nakatadhana sa Konstitusyon.

Ang tema para ngayong taon ay “Wika Natin ang Daang Matuwid“ na may limang sub-theme: Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan; Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran; at Wika Natin ay Wika sa Pangangalaka sa Kapaligiran.

Taun-taon, ang mga ahensiya at mga institusyon ng edukasyon ng gobyerno ay nagdaraos ng iba’t ibang aktibidad tulad ng timpalak sa panitikan, mga exhibit at parada para sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ang unang “Pambansang Kongreso sa Wika“ ay idaraos sa Agosto 19-21, 2013 ng DepEd at ng KWF sa Ateneo de Manila University sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government, ng Commission on Higher Education, ng Civil Service Commission (CSC), at ng Ateneo Department of Filipino. Magtatalumpati si Pangulong Benigno S. Aquino III sa komperensiya sa Agosto 19 na kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang “Ama ng Wikang Pambansa“. Ang “2013 Dangal ng Wikang Filipino“ ay igagawad sa mga indibiduwal na nakaambag sa paglinang ng pambansang wika at iba pang wika ng Pilipinas, at ang “Gawad KWF sa Sanaysay“ sa mga nagwagi ng taunang timpalak sa panitikan.

Nagsimula ang pagdiriwang ng wikang pambansa noong 1946 nang mag-isyu si Pangulong Sergio S. Osmeña Sr. ng Proclamation No. 35 na nagtatalaga sa Marso 27 hanggang Abril 2 ng bawat taon bilang Linggo ng Wikang Pambansa. Noong Setyembre 23, 1955, binago ni Pangulong Ramon F. Magsaysay ang petsa ng selebrasyon sa Agosto 13-19 ng bawat taon bialgn parangal sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon. Nag-isyu naman si Pangulong Corazon C. Aquino ng Proclamation No. 19 noong Agosto 12, 1988 na nagpoproklama sa Agosto 13-19 ng bawat taon bilang Linggo ng Wikang Pambansa. Si Pangulong Fidel V. Ramos naman ang nag-isyu ng Proclamation No. 1041 noong Enero 15, 1997 na nagdedeklara sa buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa Department of Education sa pangunguna ni Secretary Bro. Armin A. Luistro, Department of Interior and Local Government Secretry Manuel A. Roxas II, Commission on Higher Education Chairperson Dr. Patricia B. Licuanan, Komisyon ng Wikang Filipino Chairman Virgilio S. Almario, at Civil Service Commission Chairman Dr. Francisco T. Duque III, sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang paglago at pamumulaklak ng “Filipino“ bilang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • Jrp

    ano po ba ang ibig sabihin na wika natin ay mabilisan,inklusibo, at sustenidong pangkaunlaran?