Home » Probinsya » Guro, pinagnakawan ng kanyang estudyante

Guro, pinagnakawan ng kanyang estudyante

 

CONCEPCION, Tarlac – Isang 12-anyos na estudyante ang natuksong pagnakawan ang kanyang guro sa Concepcion North Central Elementary School, Concepcion, Tarlac kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eduardo Sapasap, ang inarestong minor ay itinago sa pangalang Joe, ng Rosepark, Concepcion, Tarlac. Narekober sa kanya ang shoulder bag na naglalaman ng P7,000 cash at isang smart phone na nagkakahalaga ng P15,000.

Ang biktima ay si Benjilyn Dela Cruz, 33, guro ng nasabing paaralan, at residente ng Uliran Compound, Barangay San Nicolas, Concepcion, Tarlac.

Napag-alaman na iniwan ng guro ang kanyang shoulder bag sa loob ng classroom para dumalo sa faculty meeting sa kabilang kuwarto.

Isa sa mga mag-aaral ang ang nakakita sa suspek at isinumbong kay Dela Cruz. – Leandro Alborote

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese