Home » Showbiz atbp. » Chito Miranda at Neri Naig, bagong sex video scandal

Chito Miranda at Neri Naig, bagong sex video scandal

Ni Lito Mañago

CHITO MirandaMAY bagong sex video scandal na pinagpipistahan ngayon ng netizens.

Kalat na kalat na kasi sa iba’t ibang social networking sites sa internet ang 7.17 minutes na `sex video scandal’ ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ng kanyang girlfriend, ang dating Star Circle Quest finalist na si Neri Naig.

Makikita sa video ang iba’t ibang sexual position ng magsiyota. Sa simula ng video, hindi agad makikilala ang dalawa dahil madilim pero maaaninag na may ginagawa sila. Kalaunan, nag-iba sila ng posisyon at lumipat ng lugar. Bigla ring lumiwanag at tuluyan nang nakilala sina Chito at Neri.

Sabado ng gabi ng pumutok ang isyu. Ilang oras after it hits the internet and social media sites, humingi agad ng apology ang singer sa pagkait ng video. Ikinalungkot daw niya ang mga pangyayari.

Saad ni Chito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@chitomirandajr), “We are truly saddened by the fact na may nagleak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig.“

Dagdag pa niya, “Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident. Thank you for your prayers.“

Nagpaliwanag din ang 37year old Parokya ni Edgar lead vocalist sa kanyang Twitter account (@chitomirandajr) na diumano’y pinasok ng magnanakaw ang kanilang bahay at ninakawan sila, kasama ang hard drive na naglalaman ng video at photos.

“Our hard drive was stolen from our room in our house along with several other stuff. Kung sino ka man, God bless,“ explains the singer.

Huling hirit ni Chito sa kanyang IG account, “’Di nyo kami matitinag,“ kalakip ang isang photo kasama ang girlfriend na halatang kuha sa isang beach.

As we go to press, ang naturang photo ay umani na ng 4,000 plus likes at mahigit namang 500 comments mula sa kanyang followers.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »