Home » Balita » Kaliit-liitang gagastusan ng budget, bubusisiin

Kaliit-liitang gagastusan ng budget, bubusisiin

 

Ni Leonel Abasola

Magiging mahigpit na ang pagpapatupad sa national budget ngayong 2014 at kailangang tukuyin ng bawat ahensiya ng gobyerno kung saan gagastusin ang kanilang budget at ano ang dapat na asahan upang maiwasang magkaroon ng katiwalian sa pamamahagi nito.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, maging ang limang minutong responde ng mga bombero ay kailangang nakadetalye sa budget ng Bureau of Fire Protection (BFP).

“They are now counting the beans,” sinabi ni Recto tungkol sa panukalang P2.268 trillion national budget para sa 2014.

Sa nakalipas na alituntunin ng budget, nakalagay lang ang kabuuang halaga ng budget kaya may pagdududang hindi maayos ang pagkakagamit nito.

“The 2014 national budget has gone micro and I would even say that it has gone overboard in detailing what an agency must deliver,” sabi ni Recto.

Sinabi pa ni Recto na sa panukalang budget ng Philippine National Police (PNP) nakasaad na dapat magkaroon ng minimum na 629,258 crime investigation at magdagdag ng 25 porsiyento sa foot at mobile patrols.

Sa BFP naman, magkakaroon ng hanggang pitong minuto sa responde, habang sa Department of Health (DoH) ay target na magkaroon ng 106,000 operasyon sa mga may sakit sa puso, na nakapaloob sa P80. 8 billlion o mas mataas ng P30 billion sa 2013 budget.

“The National Arsenal said it will churn out 30 million ammunition rounds. From the Army comes this assurance that 90 percent of its 176 tactical battalions can be made combatready within one hour upon receipt of orders from higher authorities,” ani Recto.

Aniya, maging ang National Intelligence and Coordinating Agency ay hindi rin puwedeng ilihim ang mga operasyon nito.

“In the case of the DPWH, its budget says 1,022 gravel roads will be paved while 605 kilometers of national roads will be built. The Department of Agriculture has also indicated that it will repair 1,500 kilometers of farm roads,” sabi ni Recto.

“Yun nga isang college, ang Tarlac College of Agriculture, may quota na 621 graduates sa susunod na taon. Ganun katindi ang pagbubutingting. May isang target na medyo nakakaaliw nga. ‘Yung Bureau of Corrections, citing historical records siguro, nagsabi na hindi lalampas ng 89 na preso ang makakatakas, pero 100 percent naman silang mahuhuli muli,” dagdag pa ni Recto.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese