Home » Sandali Lang » BAKIT MAHILIG KA SA EMAIL?

BAKIT MAHILIG KA SA EMAIL?

SA totoo lang, gusto natin ang email dahil sa mabilis ito at madaling gamitin, plus, libre pa ang komunikasyon kahit kanino sa buong mundo. At ayaw din natin ng email dahil nilalamon nito ang mahahalaga nating oras.

Kung nagagamit mo ang buong araw sa kababasa at kapapadala ng email or nagbakasyon ka at pagbukas mo sa iyong account ay `santambak ang messages na naghihintay sa iyo, alam mong mauubos ang oras mo sa pagbabasa niyon. Malamang na nabigyan ka na ng tips upang maayos mo ang files sa iyong email: mga folder, labels, batch processing, at marami pang iba.

Ang lahat ng iyon ay nakatutulong ngunit kung binubuksan mo pa rin ang email mo nang mas madalas kaysa dati, medyo matatawag ka nang addict sa email. Upang maresolba ang problemang ito, kailangang alamin kung ano ang dahilan. Narito ang ilan sa mga popular na problema at malamang na pamilyar ka rin dito.

  • Ugali mo nang magbukas ng email. Halos araw-araw, pagdating mo sa opisina ay binubuksan mo agad ang iyong computer at agad mong inaalam ang iyong messages sa inbox. Dahil ganito ang ginagawa mo araw-araw, nagiging ugali mo na ang magbukas ng email. Pero huwag kang mag-alala dahil marami sa atin ang ganyan, pati na ako.

Upang matulungan kang makaiwas (para magkaroon ka ng mas maraming oras sa opisyal mong trabaho), gawin mong mahirap ang pagbubukas sa iyong email. Alisin ang icon sa iyong desktop. Tanggalin ang bookmark sa iyong browser. At pagkatapos, lumikha ka ng bagong habit sa tuwing darating ka ng opisina. Kung tumitingin ka ng email sa sandaling magbukas ka ng iyong computer, sumulat ka na lang ng iyong mga gagawin sa araw na iyon bilang kapalit. Puwede mo na ring simulan ang iyong opisyal na trabaho.
Kung bahagi naman ng iyong trabaho ang pagbabasa ng email, kunin mo lamang ang opisyal na messages at saka mo isara ang iyong email account.

Sundan bukas.

comments
Translate »


















Translate »