Home » Balita » BIR, sisilip din sa pork barrel scam

BIR, sisilip din sa pork barrel scam

Ni Rommel P. Tabbad

Pumasok na rin ng Bureau of Internal Investigation (BIR) sa imbestigasyon sa kontrobersiyal na P10-billion pork barrel scam na umano’y ginamit lamang sa mga ‘ghost project’.

Ayon sa BIR, partikular na pagtutuunan ng kanilang imbestigasyon kung nagbabayad ng tamang buwis ang JLN Corporation na pag-aari ni Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares, kung matutuklasan nila na dinadaya ng kumpanya ang pamahalaan sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng hindi tamang tax ay kakasauhan nila ito ng paglabag sa National Internal Revenue Code.

Nauna nang inihayag ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang usapin kung saan nakatuon lamang ang kanilang imbestigasyon sa ‘ghost projects’ ng kumpanya na sinasabing ginamitan ng pork barrel ng mga mambabatas.

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese