Home » Balita » 12 katao dinukot ng MNLF

12 katao dinukot ng MNLF

Inihayag kahapon ng militar na rido o labanan ng angkan ng dalawang pamilya ang ugat sa isinagawang pagdukot sa 12 miyembro ng isang paksiyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Basilan noong Huwebes.

Kabilang sa mga dinukot ng MNLF ang limang menor kasama na rito ang 5-buwang sanggol.

Kinumpirma rin ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na lima sa mga dinukot ang pinakawalan matapos ang pakikipagnegosasyon ng militar sa lider ng MNLF na si Kumandar Hassan, alias “Addang.”

Ang mga biktima ay kinilalang sina Faija Banua, 44; Hapsa Ambihal, 28; Dalma Ambihal, 50; Kalipa Ambihal, 22; at ang mga menor.

Ayon sa ulat pinangunahan ni Hassan ang 50 tauhan nito sa isinagawang pagsalakay at pagdukot sa 12 katao na miyembro ng isang angkan sa Tipo-Tipo, Basilan bilang ganti sa ginawang pagdukot sa kanyang tatlong anak na babae noong Hulyo 9. – Fer Taboy

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese