Home » Tennis » Bartoli, bagong kampeon sa Wimbledon

Bartoli, bagong kampeon sa Wimbledon

Marion Bartoli

LONDON (Reuters) – Wala man sa listahan ng mga paboritong mag-kampeon sa Wimbledon ilang gabi ang nakararaan, napagwagian naman ng Frenchwoman na si Marion Bartoli si Sabine Lisicki, 61, 6-4, upang sungkitin ang kanyang unang titulo sa Grand Slam.

Ang 28-anyos na 15th seed, na umungos sa torneo na walang inilalaglag na set, ay walang kahiraphirap na nalampasan ang German na si Lisicki na tila nanlamig sa pinakamalaking okasyon sa kanyang career.

Si Bartoli ang unang French player na nanalo ng isang grand slam title mula nang nagawa ito ni Amelie Mauresmo, na kanya nang coach ngayon, noong 2006.

“As a small girl I dreamed about this moment,“ lahad ni Bartoli sa isang panayam sa courtside matapos tanggapin ang Venus Rosewater dish sa Centre Court. “Finishing with an ace to win Wimbledon, even in my wildest dreams I couldn’t have imagined that.

“Honestly, I cannot believe it. I have practiced my serve for so long, at least I kept it for best moment,“ dagdag niya.

Ang 23rd-seed na si Lisicki ang paborito papasok sa finals, ito ay matapos niyang talunin ang kampeong si Serena Williams sa fourth round at ang runner-up noong isang taon na si Agnieszka Radwanska sa semifinals.

Nabasag niya ang serve ni Bartoli sa opening game ng laban, ngunit unti-unti siyang napag-iwanan.

“You try to calm yourself down as much as you can with different techniques, breathing techniques that
usually help, but didn’t help today,” Lisicki said.

Anim na sunod na game ang nabingwit ni Bartoli, pumangalawa kay Venus Williams sa All England Club noong 2007, upang kunin ang unang set sa loob ng 31 minuto ­ kanyang nakuha ang mga puntos ng halos hindi pinagpawisan dahil sa sunud-sunod na error ni Lisicki.

“There would have been no place Lisicki would rather have been an hour ago,“ anang former men’s champion na si John McEnroe, na nagsilbing commentator para sa BBC. “Now it’s the last place she wants to be. Her mind’s all fogged up.“

Pansamantalang nakabawi si Lisicki nang kanyang maisalba ang tatlong match points at pagkatapos ay na-break si Bartoli upang makalapit sa 3-5 upang bigyan ng kaunting pressure ang kanyang kalaban.

Ngunit agad namang nakaregroup si Bartoli at sinelyuhan ang kanyang unang titulo sa kahit anong grand slam sa kanyang ikaapat na match point matapos lamang ang isang oras at 21 minuto.

Matapos pumarada tangan ang kanyang tropeo, siya ay lumabas ng court na nakaakbay sa kanyang karibal.

“We’ve known each other for a while,“ saad ni Lisicki.

“She’s been on tour for so long. I’m happy for her. I’m disappointed, but I’m happy for her. I hope that I’ll get the chance to go one further one day, as well.“

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese