Home » Editoryal » HULYO, BUWAN NG PAMBANSANG NUTRISYON

HULYO, BUWAN NG PAMBANSANG NUTRISYON

 

Tuwing Hulyo ng bawat taon, idinaraos ng bansa ang National Nutrition Month alinsunod sa Presidential Decree 49, ang Nutrition Act of the Philippines, na nilagdaan noong Hunyo 25, 1974. Pinangungunahan ng National Nutrition Council (NNC) ang paglulunsad ng ika-39 pagdaraos ng National Nutrition Month noong Hulyo 1, 2013 sa temang “Gutom ang Malnutrisyon, Sama-sama Nating Wakasan“.

Layunin ng pagdaraos ngayong taon ay ang mapalawak ang kaalaman hinggil sa mga isyu at mga hakbang upang malunasan ang kagutuman at malnutrisyon; himukin ang taumbayan, non-government agencies, ang pribadong sektor, civil society groups, at mga komunidad na gumawa ng mga adbokasiya para sa mas matibay na aksiyong pulitikal. Hinihimok ng Department of Education (DepEd) at ng NNC ang lahat ng paaralan na makiisa sa selebrasyon sa pamamagitan ng mga aktibidad na magtatampok ng kahalagahan ng mabuting nutrisyon.

May nakalaang mga aktibidad sa buong bansa para sa isang buwang selebrasyon, kabilang ang pagtatanim ng mga gulay at mga punongkahoy sa mga paaralan, day care center, komunidad, ospital, parke, at sa mga tahanan. Mayroon ding mga forum, lecture, seminar, mga patimpalak, konsiyerto, exhibit, at palakasan. Nangunguna ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa paghahatid ng nutrition at health services sa mga barangay, at tagasulong ng mga adbokasiya para sa community development projects. May 22,083 BNS ang kasalukuyang ang diniploy ng NNC sa 954 munisipalidad na sumasaklaw sa 19,032 barangay sa buong bansa.

Ngayong taon, hinihimon ang NNC member-agencies, mga pamahalaang lokal, at mga punong-bayan na iugnay-ugnay ang kanilang mga programa upang matiyak na makaaabot ang taumbayan sa sapat at masustansiyang pagkain, at ang mahusay na paghahatid ng serbisyo-publiko ay nakatutulong sa lokalisasyon ng pagkain.

Binabati natin ang National Nutrition Council Governing Board sa pangunguna ni Department of Health Secretary Enrique T. Ona, Chairman; Department of Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, Vice Chairman; Department of Interior and Local Government Secretary Manuel A. Roxas II, Vice Chairman; Department of Education Secretary Bro. Armin A. Luistro at Council Secretary Maria Bernardita T. Flores, sa kanilang pagsisikap upang matamo ang dapat na nutrisyon para sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
  • girl

    491 ..49 is the Lawphil project