Home » Senor Senador » UGNAYANG PANLABAS

UGNAYANG PANLABAS

Kung ako lang ang masusunod at maaring matupad ang huni ng pangarap ko, ang Pilipinas ay dapat ang tanging bansa na sentro ng mundo. Magkaka-mayroon tayo ng malawak na lupain na biniyayaan ng milyon-milyong bariles ng langis, ginto, atbp. wika nga, bumubulwak na kayamanan mula sa ilalim ng ating teritoryo, kasama nakapaligid na mga karagatan. Habang ang ibang mga bansa tulad ng Tsina, Russia, Canada, Amerika, ay sana kasing laki lang ng Marinduque. Ang magiging kilalang bantayog sa daigdig ay hindi sina George Washington, Mao Tse Tung atbp. bagkus ay sina Jose Rizal, Mabini, Bonifacio atbp. Imbes na si Captain America o Iron Man ang tumatabo sa takilya, ay si Captain Barbel o Lastik Man ang pinapanood sa buong sanlibutan.

Hindi ang Mission Impossible o James Bond ang sikat kundi si Tony Ferer alias Agent X-44; mawawala sa isipan ng santinapakan, ang bantog na batang “Annie”, kundi sy si Ryzza Mae; at walang panama sila Jay Leno at David Letterman dahil Eat Bulaga at Tito, Vic & Joey ang bantog sa kahit saang lupalop. Subali’t, dahil ang mangarap ay walang bayad, hindi kadalasan totoo. Kaya papayag na din ako na sa pangalawang hiling, ay kung pwede, sana magpalit ng lugar ang Pilipinas sa tinatayuan ngayon ng bansang New Zealand. Pag ganoon, malalayo tayo sa gulo at bangayan ng mga dambuhala at nag-uumpugang bato sa pamumulitika/idolohiya, yamang dagat/teritoryo, at interes hal. Tsina kontra Amerika atbp. Baka hindi pa tayo naabutan ng Pangalawang Digmaan Pandaigdig noon.

Kaya lang sadya yatang dito itinadhana ng Panginoon na iluwal ang Pilipinas, sa gitna ng perya at sabongan ng mga puti, dilaw, at kapwa kayumangging lahi, na nais maki-alam, umagaw, magmarunong sa sarili nating Inang Bayan. Sa ganitong katayuan, dalawa lang hakbang ang natitira para sa katiwasayan ng ating Republika sa gitna ng namumuong peligro. Una, makipag-alyansa muna, sa “kabatak” na bansa, na ang sistema at paniniwala sa demokrasya at pamamahala ay halos kapareho natin. Pangalawa, kahit tinutulak na tayo sa sariling tahanan (Ayungin Shoal At Sabah), huwag tayo pasindak. Manindigan! Hindi tayo magsisimula ng gulo, pero huwag din tayo aatras pagbastusan na. Magpalakas na tayo sa ating depensa. Galangin natin ang ating sarili, upang respetuhin tayo ng dayuhan.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese