Home » NBA » Ilang manlalaro ng NBA, pinagmulta

Ilang manlalaro ng NBA, pinagmulta

Pinatawan ng multa ng NBA ang ilang manlalaro ng tig-$15,000 sa paglalaro sa isang alumni basketball game ng University of Washington ng walang pahintulot.

Pinagmulta ng NBA ang forward ng Philadelphia 76ers na si Spencer Hawes, mga guwadiya ng Memphis Grizzlies na si Quincy Pondexter at Tony Wroten, at guwardiya ng Sacramento Kings na si Isaiah Thomas dahil naglaro ang mga ito noong Hunyo 23 sa Alaska Airlines Arena sa Seattle, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Hindi pa alam kung may ilan pang mga dating manlalaro ng Washington Huskies na kasama sa laro, kabilang si Chicago Bulls free agent Nate Robinson at Terrence Ross ng Toronto Raptors ang napatawaran din ng multa.

Ang coach ng Washington na si Lorenzo Roma rang nag-organisa ng laro. Ayon sa collective bargaining agreement ng NBA, hindi maaaring maglaro sa mga pampublikong laro sa offseason ang mga player bago ang Hulyo 1 o matapos ang Setyembre 15 na walang pahintulot mula sa liga. (Yahoo! Sports)

Incoming search terms: